Ang Inspirasyon ng Biblia
8.1 Totoo ba na ang Biblia ay may inspirasyon ng Dios?
Oo. Upang masabi ang isa lamang sa maraming mga kasulatan na nagpapatibay nito (mas marami sa ibaba): ‘Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos’ (2 Timoteo 3:16).

8.2 Ang inspirasyon ba ay talagang mahalaga?
Ganap na totoo. Kung ang Bibilia ay hindi binigyan ng inspirasyon, kung magkagayon ito ay magiging isang piraso lamang ng panitikan gaya ng maraming iba, walang anomang moral, espiritwal o partikular na kapamahalaang praktikal – at walang anomang kapahayagan mula sa Dios.
Kung walang inspirasyon, wala kang Salita ng Dios, wala sa iyo ang saligan ng mga katuruang Biblia. Lahat ng napakaraming mga katuruang mga Kristiyano, kung ito man ay tungkol kay Cristo sa Kaniyang persona, o gawa, kung ito man ay tungkol sa iglesia, ang kaharian, o mga hula – ang lahat ng mga ito ay maaari lamang ipagtanggol kung ang teksto ng Biblia ay maaasahan, gaya ng kung ito ay nanggaling lamang kapagdaka mula sa Dios.

8.3 Ano ang eksaktong kahulugang ng inspirasyon?
Sa literal na kahulugan, ang maudyukan ay nangangahulugan na ito ay ‘hiningahan.’ Ang mga Kasulatan ay mga ‘hiningahan ng Dios,’ gaya ng ang mga ito ay tuwirang nanggaling mula sa Kaniya. Isang malaking paglalarawan na makatutulong sa pamamaraang ito ay matatagpuan sa Mga Gawa 1:16:’… kailangang matupad ang kasulatan, na ipinahayag noong una ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni David.’ Ito ay inspirasyon: Ang Dios ay nagsasalita sa pamamagitan ng bibig ng isang lalaki na pinili para sa layuing ito. Ang mga lalaking ginamit ng Dios upang sumulat ng Biblia ay pawang mga ‘nasa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu’ (2 Pedro 1:21, JND).

8.4 Ang pagkatao ba ng manunulat ay walang anomang bahagi sa lumabas na bunga ng gawaing ito?
Mayroon – sobra-sobra. Ang istilo ni Juan (simple subali’t malalim) ay kakaiba mula sa kay Pablo (lohikal at nangangatwiran), at ang mula kay Pablo ay iba rin ang kay Pedro. Si Pablo ay naging mag-aaral ng tanyag na iskolar na si Gamaliel. Si Pedro ay isang simpleng mangingisda mula sa Galilea na walang pormal na edukasyon.
Ginamit silang pareho ng Dios upang matupad ang resultang Kaniyang sinadya. Ginamit din ng Dios, kumbaga, ang kakayahan ni Lucas, isang manggagamot, na totoong may kakayahang palabasin ang pantaong aspeto ng mga pangyayari. Sa Lumang Tipan, ginamit ng Dios ang mga karanasan ni David upang maglaan ng sustansya para sa Mga Awit na kanilay sinulat at ang kanyang kaloob na pagiging matulain ay binigyang buhay ang mga Awit.

8.5 Ang kinalabasan bang kasulatan kung gayon ay pantao lamang at dahil dito ay hindi sakdal?
Hinding, hindi. Ang kinalabasan ay ang eksaktong nilayon ng Dios. Ang bawat salita ay Siya ang nagbigay (tingnan sa ibaba)-

8.6 Paanong ang Salita ay magpapasan ng mga tatak ng mga sumulat at sa ganito rin ay ang Salita ng Dios?
Isipin mo ang isang iskultor. Maaaring gumagamit siya ng ibat-ibang mga kasangkapan sa proseso ng paggagawa halimbawa ng isang estatwa. Maaari mo pa ring makita ang mga marka ng mga kasangkapan sa pinakalabsan ng produkto subali’t ang mga ito ay naroroon sapagka’t may buong kahusayang ginamit ng iskultor ang mga kasapang ito upang palabasin ang totoong naisin niya na kalabsan nito. Gayon din pinili ng Dios at ginamit Niya ang mga pagkatao at mga pangyayari sa buhay ng mga iba-ibang mga manunulat upang palabasin Niya ang sadyang nais Niyang maging bunga nito.

8.7 Itinama ba ng Panginoon ang anomang bagay na nasulat ng mga manunulat ng Lumang Tipan?
Hinding, hindi. Ang Panginoon ay madalas na bumibigkas mula Lumang Tipan, subali’t kailanman ay walang sinabi na magmumungkahi na may posibilidad na sila’y nagkamali. Ang Kaniyang paggamit ng mga Kasulatan ay nagpapakita na Kaniyang kinikilala ang mga Kasulatan bilang ganap na may kapamahalaan (tingnan halimbawa: Mateo 4:5,7,10; 5:17; 21:16; 26:31,54; Lucas 4:17-21; Juan 17:12).
Sa Mateo 5:17 Kaniyang sinabi:
‘Huwag ninyong isiping pumarito ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta; pumarito ako hindi upang sirain, kundi upang tuparin ang mga ito.’
Totoo na ang maraming mga talata sa Bagong Tipan na binanggit mula sa Lumang Tipan ay sumusunod sa teksto ng pagkakasalin sa Griyego (ang Septuagint) na umiiral na nang panahon ng Panginoon at ng Kaniyang mga alagad, at ang salin na ito ay nagkakaiba minsan mula sa orihinal na tekstong Hebreo ng Lumang Tipan. Gayunman, ang isang malalim na pag-aaral ng teksto ay magpapakita na ang mga pagkakaibang ito ay ngmumula sa banal na layunin (ihambing, sa gaya ng, Awit 68:18 sa Efeso 4:8, o sa Awit 40:6 sa Hebreo 10:5).

8.8 Naunawaan ba ng mga manunulat kung ano ang kanilang mga sinulat?
Hindi kinakailangan. Ang mga propeta sa Lumang Tipan ‘…nagsikap at nagsiyasat na mabuti ang mga propeta na nagpahayag tungkol sa biyayang darating sa inyo. Kanilang siniyasat kung anong pagkatao o kapanahunan na tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila, nang ipahayag ang mangyayaring pagdurusa ni Cristo, at ang kaluwalhatiang susunod sa mga ito’ (1 Pedro 1:10,11). Ang mga manunulat ng Bagong Tipan bilang pangkalahatan, ay mauunawaan kung ano ang kanilang mga sinulat. Maliban na lamang marahil sa ilang bahagi ng aklat ng Pahayag, kung saan si Juan ay maaaring hindi naunawaan ang buong bigat ng kaniyang mga pangitain.

8.9 Ibinigay ba ng Dios ang mga salita, o ang mga konsepto lamang?
Ibinigay ng Dios ang mga salita. Sinabi ni Pablo na ang mga apostol ay tinuruan sa mga salita na itinuro ng Banal na Espiritu (1 Corinto 2:13). Ito ay isa ng tuntunin mula pa sa pinakasimula ng mga panahon: Sinabi na ng tungkol sa tunay na propeta: ‘Ilalagay ko sa kaniyang bibig ang aking mga salita’ (Deuterenomio18:18-20). Sinabi ni Moses sa katapusang ng Deuterenomio, ‘ito ang mga salita ng tipan na ipinag-utos ng Panginoon’ (Deuterenomio 29:1). Ganito naman ang sinulat ni David: ‘Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsasalita sa pamamagitan ko, ang kanyang salita ay nasa aking dila.’ (2 Samuel 23:2). Tingnan din ang Ezra 7:11, Zacarias 7:12 at kahit ang huling aklat ng Bagong Tipan (Pahayag 22:18,19). Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa mga salita na binigkas ng Dios.
Sinabi ng Panginoon, ‘…hanggang sa mawala ang langit at lupa, ang isang tuldok o isang kudlit ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa matupad ang lahat ng mga bagay’ (Mateo 5:18). Ang kaniyang paggamit ng mga kasulatan ng Lumang Tipan ay nagpapakita ng lubos na pagsandig sa mga pananalita nito (tingnan halimbawa, Mateo 22:31,32,43,44).
Sa Galacia 3:16, itinuro ni Apostol Pablo na ang teksto sa Genesis 22:18 ay nagsasabi ng ‘binhi’ hindi ‘mga binhi.’ Kaniyang itinayo ang kanyang argumento sa katotohanang ito ay nasa pang-isahang anyo at hindi para sa pangmaramihan. Ito kung gayon ay nag-aalis ng alinlangan sa kaniyang pagiging wasto at inspirasyon ng mga Kasulatan.

8.10 Bakit mahalaga ang inspirasyong verbal?
Sapagka’t ang Biblia (at ang wika sa pangkalahatan) ay naglalaman ng mg salita. Kung hindi mo maaaring asahan ang mga salita hindi mo maaaring maasahan ang anoman. Ang isang hukom ay kinakailangang isalig ang kanyang mga paghatol sa mga salita ng batas. Ang tagapagpaganap ng huling habilin ay kinakailangang umasa sa eksaktong mga salita ng testamento na huling kahilingan upang kanyang magampanan ang kanyang pananagutan. Kung ang mga salita ay hindi tiyak, kung gayon ang mga pangungusap at mga kapahayagan ay walang mga kahulugan at nawawala ang lahat ng bisa nito.

8.11 Ang inspirasyon ba ay may kinalaman sa buong Biblia?
O sa mga bahaging katuruan lamang?
Sa buong Biblia. Ang ilan ay may kamaliang nagsalin ng 2 Timoteo 3:16 sa pagsasabing: ‘Ang lahat ng kasulatan na kinasihan ng Dios ay kapaki-pakinabang.’ Hindi ito wasto. Ang literal na pagkakasalin ay: ‘Ang lahat ng kasulatan ay hiningahan ng Dios, kapaki-pakinabang…’
Sa 1 Corinto 2:13, sinabi ni Pablo, ‘Na ang mga bagay na ito ay aming sinasabi hindi sa mga salitang itinuro ng karunungan ng tao, kundi ng itinuturo ng Espiritu.’ Sa pagsasabing ‘aming’ kanyang isinsaman ang ibang mga apostol. Bukod dito, sa 1 Timoteo 5:18, ating mababasa: ‘sapagka’t sinasabi ng kasulatan.’ Ang kapahayagang ito ay sinusundan ng dalawang mga pagbigkas, isa mula sa Deuterenomio at isa mula sa Lucas. Nangangahulugan ito na parehong tinukoy ang mga ito bilang bahagi ng ‘Kasulatan.’
Kapareho nito, tinukoy ni Pedro ang mga sulat ni Pablo at ng iba pang mga kasulatan na magkasama (2 Pedro 3:16) na nagpapahiwatig na ang mga sinulat ng apostol ay kinasihan ng Dios.

8.12 Inaangkin ba ng Biblia na ito ay Salita ng Dios?
Ganap na katotohanan. Ang mga katagang ‘Sinabi ng Panginoon’ o kapareho nito, ay naitala ng 700 ulit sa ‘Pentateuch’ pa lamang. Makikita mo ito sa mga sumusunod:
- 400 ulit sa mga aklat na pangkasaysayan sa Biblia
- mga 400 ulit sa mga propeta
- mga 150 ulit sa aklat ni Isaiah lamang!
Sa Ezekiel makikita mo ang mga katagang gaya ng ‘dumating ang salita ng Panginoon sa akin, nagsasabi,’ at kapareho nito ng humigit kumulang sa 350 ulit. Sa katapusan, sa Bagong Tipan, ang mga katagang ‘nasusulat’ ay nabanggit ng mga 80 ulit. Walang ibang aklat ang may malapit na pag-angkin bilang maging Salita ng Dios.

8.13 Ano ang eksaktong kahulugan ng pagiging kinasihan, ang pagiging orihinal na pagkakasulat, ang mga kopya ng manuskrito, o ang mga pagkakasalin?
Ang mga orihinal na pagkakasulat, gaya ng mga teksto bilang sinulat ni Moses, David, Pablo at ng iba pang mga manunulat.

8.14 Subali’t hindi ba’t ang mga nakopyang mga manuskrito ay puno ng mga kamalian?
Ang mga orihinal na mga pagkakasulat ng Lumang Tipan ay kinopya sa mga manuskrito, na may napakaingat na ganap na kawastuhan. Ito ay tiniyak sa pamamagitan ng ibat-ibang mga diskarte, gaya ng bilang ng mga pagkakabanggit ng bawat letra. Kung ang isang letra ay hindi nakita sa parehong bilang ng pagkakaulit sa kopya gaya ng orihinal, ang paraan ng pagpapatunay ay sisimulan ulit.
Ang ebidensya ng ganap na kawastuhan ng paglilipat ay napakarami. Hanggang noong 1947, ang pinakamatandang hayag na manuskrito ng Lumang Tipan ay mga 1,000 AD na ang edad.
Ang mga kritiko ng Biblia ay nagsasabi na ang mga ito ay walang kawastuhan dahilan sa napakaraming mga siglo na ang nakalipas. Ang pagkakatuklas sa bantog na balumbon ng Qumran (Dead Sea) noong 1947 ay nagpatunay na ang mga kritiko ay mali. Ang mga yungib sa Qumran ay naglalaman ng mga kopya na may mga petsa mula sa 100-200 mga tao BC ng lahat ng mga aklat ng Lumang Tipan (maliban sa Esther). Ang isang maingat na paghahambing ay nagpakita na ang mga kasulatang ito ay sa katunayan ay magkapareho doon sa mga 1,000 taon AD.
Totoo na may mga pagkakaiba sa pagitan ng mga manuskrito ng Bagong Tipan, subali’t wala sa mga ito ay tumutukoy sa mga usapin ng pangunahing katuruang Kristiyano. At walang iba pang aklat ng ganito ring panahon ay mayroong kaparehong halaga ng manuskrito ng magagamit na katibayan (siyam para sa Mga Digmaan ni Ceasar at isa para sa Tacitus, subali’t 55,500 para sa Biblia) at wala sobrang nauna: ang ilang mga piraso ng Bagong Tipan ay may petsa mula sa humigit kumulang sa 150 AD.

8.15 Subali’t hindi ba sobrang hindi tama ang mga pagkakasalin?
Sa ilan sa mga ito, oo. Huwag kang gagamit ng mga makabagong uri ng pakahulugan na mga salin, ni yaong mga nagsisikap na tuwirin ang Biblia sanhi ng mga tagapagsalin na kinikilala ang ilang mga kapahayagan na hindi sumasangayon sa kanilang mga sariling pagtatangi at kaisipang pantao.
Subukan mong gumamit ng mas eksaktong pagsasalin ng mga orihinal na teksto hangga’t maaari.

8.16 Kung gayon ang isang Bibliang English ay hindi kinasihan ng Salita ng Dios?
Dapat nating tandaan na ang Panginoon at ang mga manunulat ng Bagong Tipan ay ginamit ang Septuagint (tingnan 8.7) at sinipi nila ang mga ito sa pagsasabing ‘nasusulat.’
Samakatuwid, maaari nating asahang mainam ang isang mabuting pagkakasalin at kilalanin bilang Salita ng Dios.

8.17 Ang Panginoon ba ay nagsabi kung ang Lumang Tipan ay kinasihan?
Oo, ginawa Niya ito. Maraming beses. Ginamit Niya ang Lumang Tipan bilang ganap ang kapamahalaan (T 8.7). InilagayNiya ang mga salita ng Bagong Tipan sa kaparehong antas bilang Kaniyang mga salita (ihambing ang Mateo 5:18 sa Mateo 24:35).
Tinukoy Niya si Adan at Eba, Cain, Noah, Moises, David, atbp., sa bawat sandali bilang pagpapatunay sa Lumang Tipan bilang ganap na totoo at may kapamahalaan. Ang mga kasulatang ito, para kay Cristo, ay mga saligan ng may kapamahalaan at siyang pangwakas na kasagutan sa lahat ng mga katanungan ng buhay (ang muling pagkabuhay, pag-aasawa, diborsyo at marami pang mga paksa).
Pangkatapusan, Kaniyang ipinakilala ang Kaniyang sarili bilang paksa ng ‘lahat ng mga kasulatan’ (Lucas 24:27).

8.18 Paano natin malalaman na ang Bagong Tipan ay Inspirado rin?
Ang iba-ibang mga manunulat ng Bagong Tipan ay kumikilala sa kani-kaniyang mga sinulat(1 Timoteo 5:18; 2 Pedro 3:15-16). Kanilang inilalagay ang mga ito sa kaparehong antas ng mga kasulatan ng Lumang Tipan. Tingnan T 8.11.

8.19 Paano natin malalaman na ang mga tamang mga aklat ay mga pinili upang mabuo ang Biblia?
Ang mga inspiradong mga kasulatan ay may mga gayong kapangyarihang espiritwal na kanilang pinapurihan ang kanilang mga sarili sa mga taong espiritwal. Nalalaman nila na kanilang pinanghahawakan ang mga kinasihang mga sulatin, na ang karamihan naman sa mga ito kung tutuusin, ay maliwanag na nagpahayag na ang mga ito ay Salita ng Dios. Kawili-wili na tinukoy ng Panginoon ang ‘mga propeta’, ‘ang mga awit’ at ang ‘mga kasulatan’ bilang mga hayag at kinilalang mga koleksyon (gaya ng Mateo 26:56), katulad ng mga manunulat sa Bagong Tipan (gaya ng Lucas 24:27).

8.20 Subali’t hindi ba’t may mga kontradiksyon sa Biblia?
Inilalagay ng Biblia ang tao sa liwanag ng Dios. Ito ang dahilan kung bakit siya may likas na pagkahilig upang kapootan ang aklat na ito at subukan na hanapin ang mga kontradiksyon nito. Gayunman, 90% ng mga inaakalang mga kontradiksyon ay bunga ng alinman sa kamangmangan o masamang intensyon o pareho.
Pagkatapos ay may mga tunay na mga mahihirap ipaliwanag, gaya ng mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga ebanghelyo, o sa pagitan ng mga paglalahad ng mga parehong mga pangyayari sa aklat ng Mga Hari at sa mga aklat ng Cronica. Dito ay isang bagay ng paghingi sa Dios upang maunawaan ang banal na desenyo ng mga Kasulatan. Kapag ginawa natin ito, ang mga kahirapan sa pagpapaliwanag ay maglalaho at ang kagandahan ng pagiging inspirado nito ay makikita, at ito ay magiging maliwanag na ang mga pagkakaiba ay nagbubuhat sa maliwanag na layon ng Dios na ipakita sa atin ang ibat-ibang aspeto sa buhay ng Kaniyang Anak, o doon sa Kaniyang bayan.
Sa ilang lubhang sakdal at bihirang mga kaso, ang isang kamalian ay maaaring maganap: halimbawa 2 Mga Hari 8:26 ang edad na 22 mga taon ay natala, samantalang sa 2 Cronica 22:2 ito ay 42 mga taon – maaaring ito ay resulta ng kamalian sa pagkakasipi. Subali’t ang ating pananampalataya ay hindi nakasalalay sa mga ganitong detalye.

8.21 Ano naman ang mga salitang sinabi ng mga masasamang mga tao na naitala sa Biblia?
Ang Biblia ay naglalaman ng mga salita gaya ng ‘Tayo ay kumain at uminom, sapagka’t bukas tayo ay mamamatay’ (1 Corinto 15:32). Ang mga ganitong mga talata ay hindi mga kapahayagan ng isipan ng katotohanan ng Dios, subalit ang mga ito ay totoo at kinasihan din: ang mga ito ay nagsasabi sa atin na may mga taong nag-iisip at nagsasalita gaya nito. Makikita mo rin ang mga salita ni Satanas sa Biblia (aklat ni Job at sa mga Ebanghelyo), subali’t ginagamit ang mga ito upang bigyan liwanag tayo tungkol sa papel na ginagampanan ni Satanas, ano ang kayang niyang gawin, ano ang ginagawa ng Dios sa kanya at ang tagumpay ng Panginoon laban sa kanya. Ang paraan kung paano iniuugnay ng Dios ang mga salita ni Satanas ay ganap na kinasihan.
Ang mga kasinungalingan ng mga anak ni Jacob sa kanilang ama patungkol sa kung ano ang kanillang ginawa kay Jose ay mga nasulat din sa pamamagitan ng inspirasyon. Ipinapakita nila ang puso ng tao, ang dahilan para sa disiplina ng Dios at banal na paglalaan na siyang nagdadala ng layon ng biyaya sa kabila ng kasamaan ng tao.
Ang aklat ng Ecclesiastes ay naglalaman ng mga deklarasyon na totoong mahirap na tanggapin. Ang malaking bahagi ng aklat na ito ay hindi kapahayagan ng banal na katotohanan, subali’t ang pag-aalis ng talukbong sa ‘pangangatwiran ng tao ’sa ilalim ng araw.’ Ang lahat ng ito ay kinasihan at totoo sa katuturan na sinasabi ng Dios sa atin ang kalagayan ng tao.

8.22 Kung gayon bilang buod, ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kanyang sarili?
Maliwanag na ipinapahayag ng Biblia na ito ang Salita ng Dios. Ipinapalagay nito ang ganap na inspirasyong pansalitaan at sa makatuwid ang pagiging walang kamalian nito. Ating pasalamatan ang Dios na Siya ay nalugod na ibunyag ang Kaniyang sarili sa tao sa ganitong maaasahang pamamaraan. Ang Biblia ay ang pinaka-ligtas na punto sa sangkalawakan: ‘Ang langit at lupa ay lilipas, subali’t ang aking mga salita ay hindi lilipas’ (Lucas 21:33).

8.23 Subali’t maaari ba tayong umasa sa patotoo ng Biblia patungkol sa kaniyang sarili?
Oo. Ang alinman sa patotoo ng pangatlong partido ay magiging mahina. Kung ibinunyag ng Dios ang Kaniyang sarili sa Kaniyang mga Salita, gaya ng paniniwala ng bawat Kristiyano na gayon nga ang ginawa Niya, kung gayon ang Kaniyang Salita ay mangungusap ng tungkol at para sarili nito. Ang mga ebidensyang labas sa Biblia ay humihilig lamang upang ilayo ito mula sa kapamahalaang nito. Ang tanging dako kung saan tayo ay matututo kung ang Biblia nga ay kinasihan at kung ano talaga ang kahulugan nito, ay nasa Biblia! Ang Dios ay nagsasalita para sa Kaniyang sarili.
