Ang Panginoon Jesu-Cristo – ang Kaniyang Pagdurusa
2.1 Si Jesus ay namatay, isa ba Siyang martir kung gayon?
Oo – subali’t ang Kaniyang kamatayan ay higit pa sa rito. Ang salitang ‘martir’ ay may kahulugan bilang ‘saksi’ at kadalasan ay gingagamit
para sa isang tapat na saksi na namatay para sa kaniyang patotoo. Ang lahat ng ito ay totoo kay Cristo. Siya ang tapat at tunay na saksi’ (Pahayag. 3:14) at Siya ay masunurin hanggang sa kamatayan, kamatayan doon sa Krus’ (Filipos 2:8). Subali’t ang sumusunod ng mga katanungan at mga sagot ay nagpapakita mula sa Biblia, na ang Kaniya ring kamatayan – at sa unang dako – ay may pangunahing kadahilanan para sa iba at higit pa sa kamatayan ng isang tapat na saksi.

2.2 Siya ba ay pinatay o inialay Niya ang Kaniyang buhay?
Pareho, ang mga ito ay dalawang gilid ng iisang barya; parehong makatotohanan. Ginawa ng tao ang lahat upang patayin Siya – ipinako nila Siya sa krus, at sa ganitong kahulugan ay naging mga mamamatay tao sila (Mga Gawa 2:23). Ito ang panig ng sangkatauhan.
Magkagayon man sa ganito ring sandali, inihandog ni Cristo ang Kaniyang buhay ng kusang loob (Juan 10:11,15,17,18). Mababasa rin natin ‘Nang matanggap ni Jesus ang suka ay sinabi niya, “Natupad na.” At itinungo ang kanyang ulo, at siya ay namatay’ (Juan 19:30). Ito ang panig ng Kaniyang banal na kapangyarihan at pag-ibig.

2.3 Bakit namatay si Jesus?
Ang paksa na ito ay napakaganda na anopa’t ang sagot ay waring imposible. Namatay si Cristo upang patunayan ang pinaka mataas na pagsunod sa Dios, upang luwalhatiin ang Dios tungkol sa kasalanan, upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng pagtuturo ng Kaniyang pag-ibig, upang bigyang kadahilanan ang Dios upang ariing-ganap ang mga walang dini-dios, at upang dalhin ang kaligtasan at ang kaligayahan ng tao, na umalis mula sa Dios.

2.4 Dinala ba ni Jesus ang aking mga kasalanan?
Depende. Kung sumasampalataya ka sa Kaniya, kung tumungo ka na sa Kanya dala ang iyong mga kasalanan at kung natanggap mo na Siya bilang iyong personal na Tagapagligtas, ang sagot kung gayon ay ‘oo’ dinala ni Jesus ang ating mga kasalanan; ang mga kasalanan ng mga sumasampalataya (1 Pedro 2:24). Kailanman ay hindi sinabi ng Biblia na Kaniyang dinala ang mga kasalanan ‘ng lahat.’ Kundi Kaniyang dinala ang ‘kasalanan ng marami’ (Isaias 53:12).

2.5 Ang kamatayan ba ni Jesu-Cristo ay sapat para sa lahat upang patawarin?
Oo. Ang kamatayan ni Cristo ay sapat para sa bawat isa subali’t tanging yun lamang lumalapit sa Kanya ang makikinabang dito. (tingnan and T 2.6). Ang handog ay nakahanda para sa bawat isa:
- ‘...nais ng Dios na ating Tagapagligtas ’na ang lahat ng tao ay maligtas’ (1. Tim. 2:3-4)
- ‘Kung sinomang tao’y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin at uminom’ (Jn. 7:37)
- ‘Ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay’ (Pahayag 22:17).

2.6 Ang lahat ba ay patatawarin?
Ang kapatawaran ay nakalaan para sa lahat (tingnan ang T 2.5), subali’t hindi lahat ay patatawarin. Ang kundisyon ng kapatawaran ay pananampalataya kay Cristo. Mababasa natin:
- ‘...Sinomang sa Kaniya’y sumampalataya ay makakatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan’ (Mga Gawa 10:43)
- ‘Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay nananatili sa kanya’ (Juan. 3:36).

2.7 Ano ang kabayaran?
Ang salitang ‘pangpalubag-loob ay makikita sa 1 Juan 2:2 ‘Siya ang pangpalubag-loob para sa ating mga kasalanan, at hindi lamang para sa atin kundi para din sa kasalanan ng buong sanlibutan.’ Sa anong katuturan Siya ay naging pangpalubag-loob “para sa [mga kasalanan ng] buong sanlibutan’? Ang Kaniyang sakripisyo ay gayon na lamang kalaki at may napakataas na halaga sa paningin ng Dios, na sa ganitong saligan, magagawa Niyang mag-alok ng kaligtasan sa lahat, bagaman hindi lahat ay tatanggapin ang alok na ito (tingnan T 2.5 at T 2.6). Tandaan na ang Dios ay banal at matuwid. Kung magkagayon ang bawat makasalanan ay kinakailangang mahatulan Niya. Kung wala ang gawain ni Cristo doon sa krus, ito lamang ang maaaring kahinatnan. Subali’t, salamat sa Dios! Si Cristo ay namatay at naging pangpalubag-loob upang ang Dios ay makapag-alok ng walang bayad na kaligtasan sa lahat. Sa ganitong katuturan, ibinigay ni Cristo ang Kaniyang sarili ‘para sa lahat’ (1 Timoteo 2:6).
Isang kaugnay na salita ang nakita sa Roma 3:25 na nagsasaad na ipinahayag ng Dios si Cristo bilang ‘pangpalubag-loob’ o ‘luklukan ng awa’ sa pamamagitan [1] ng pananampalataya sa Kaniyang dugo. Ang terminong
ito ay tumutukoy sa mga pantakip o suklob ng arko na tinatawag na ‘luklukan ng awa’ (Exodo 25-27). Ito ay sa tabernakulo, sa kabanal-banalang dako at, minsan sa isang taon, ay dinidilig ng dugo (Levitico 16:14). Ito ay naglalarawan ng katotohanan na ang kamatayan ni Cristo ay naabot ang mga banal na hinihingi ng Dios.
Sa madaling sabi, ang pangpalubag-loob ay nagbigay ng kadahilanan sa Dios upang mag-alok ng kaligtasan sa lahat ng tao. May bisa ito sa mga tumatanggap nito sa pananampalataya.
1 Ang salitang Hebreo para sa ‘katubusan’ – na kasama sa kaisipan ng salitang pangpalubag-loob – ay may literal na kahulugang – ‘pantakip’ T 5.11

2.8 Ano ang paghalili?
Ang isang kahalili ay isa na pumapalit sa iyong lugar. Doon sa krus, kinuha ni Cristo ang dako niyaong mga sumasampalataya sa Kaniya. Ang matuwid ay nagdusa para sa mga di matuwid (1 Pedro 3:18). Dinala Niya ang ‘ating’ mga kasalanan (Isaias 53:12 at 1 Pedro 2:24). Sa Kaniyang mga latay tayo ay nagsigaling (1 Pedro 2:24).
Ang pamilyar na mga salita sa Isaias ay naghahatid sa atin ng katotohanan ng paghahalili ng buong kahusayan: ‘Ngunit siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya'y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo. at ipinasan sa kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan.
Mula sa puntong ito ng pananaw, ang Panginoon ay dumating ‘upang ibigay ang Kanyang buhay para sa marami’ (Mateo 20:28). Ang paghahalili ay tumutukoy lamang para doon sa mga sumasampalataya.

2.9 Ano ang katubusan?
Ang kaisipan ng katubusan sa orihinal na salin ay galing sa salitang Hebreo para sa ‘pantakip’. Kabilang dito pareho ang pangpalubag-loob at ang paghahalili. (tingnan T 2.8). Ito ay isinalarawan sa pamamagitan ng ‘Araw ng Katubusan’ (tingnan Levitico 16). Nasa gitna ng mga pamamaraan ng araw na iyon ay dalawang mga kambing na kinakailangang ihandog: isa para sa Panginoon (pangpalubag-loob) at isa para sa bayan (paghalili). Idinidilig ng Punong Saserdote ang dugo ng unang kambing sa luklukan ng awa at ipinapahayag naman ang lahat ng mga kasalanan ng mga tao sa ikalawang kambing. Pagkatapos nito ang kambing na ito ay pinapakawalan sa ilang.
Ginawa ni Cristo ang katubusan: Ang Dios ay nasiyahan at naluwalhati sa pamamagitan ng Kaniyang gawa (kabayaran), at ang ating mga kasalanan ay ipinasan sa Kaniya (paghahalili).

2.10 Ang katubusan ba ay nagpapahiwatig ng banal na kahatulan?
Tunay nga. Ang ilan ay itinuturo na ang katubusan ay nangangahulugan lamang na si Cristo ay ‘pumasok sa estado ng kasamaan’ o ibinilang Niya ang sarili sa masamang kalalagayan ng tao. Kapag sinasabi natin ito ay hindi natin makikita ang katotohanan na ang kabayaran ng ating kapayapaan ay ipinatong sa Kanya (Isaias 53:5), na ang tabak ng Dios ay itinalaga sa Kaniyang sarili, o laban kay Cristo (Zacarias 13:7). Dinala ni Cristo ang ating mga kasalanan – ang kabayaran ng ating mga kasalanan.

2.11 Kasama ba sa katubusan ang pisikal na pagdurusa?
Hindi, hindi bago ang pag-agaw o kamatayan. May mga nagbigay ng maling konklusyon mula sa kapahayagan sa Isaias 53:5 ‘sa Kaniyang mga latay tayo ay gumaling.’ Gayunman ang talatang ito ay tumutukoy sa ‘ating mga kasalanan’ at ‘ating kapayapaan’ kaya’t ang konteksto nito ay maliwanag na ang ‘kagalingan’ dito ay tungkol sa ating suliranin sa kasalanan – at hindi sa ating mga pisikal na sakit o karamdaman.
Kapareho nito ang talata 4 ng parehong kabanata ay hindi rin naunawaan ng tama: ‘Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan, ang talatang ito ay hindi tumutukoy sa ating katubusan, kundi sa mga himala ng pagpapagaling na ginawa ng ating Panginoon gaya ng pagka-banggit sa talatang ito sa Mateo 8:17. Hinihintay pa rin natin ‘ang pagkukupkop … ang katubusan ng ating katawan’ (Roma 8:23). Tingnan din ang T 6.32.

2.12 Ano ang katubusan?
Ang katubusan sa kontekstong ito ay pagkabawi sa pamamagitan ng kabayaran ng isang bagay na sa pasimula pa lamang ay talagang pag-aari mo, o upang palayain ang isang tao. Sa ilalim ng kautusan ni Moises, ang isang mana ay maaaring matubos (Levitico 25:25). Kung ang sinoman ay naghihikahos sa anomang kadahilanan at nawalan ng kaniyang mga ari-arian, kung gayon ang kaniyang mga kaanak ay maaari siyang ‘tubusin’ (kasama na rin ng kanyang personal na kalayaan) at/o pati na ang kaniyang mga ari-arian. Ang halimbawa nito ay nasa aklat ni Ruth kung saan ay nawala ang lahat kay Noemi at si Boaz ay naging kanyang manunubos. Tinubos ni Cristo ang lahat ng para sa Kanya at tanging sila lamang. Higit pa sa riyan, ang halaga na Kaniyang ibinayad ay ang Kaniyang dugo (1 Pedro 1:18,19), yun nga, ay ang Kaniyang buhay.

2.13 Ano ang pagbili?
Ang pagbili, sa likas nito, ay gayon din upang gawin ito na may halagang kinakailangang ibayad, subali’t kakaiba ito sa katubusan. Ang pagbili ay tumutukoy sa buong mundo, hindi lamang para sa mga mananampalataya. Ang sumusunod na talata ay nagpapaliwanag nito: ‘…may lumitaw ding mga bulaang propeta sa gitna ng sambayanan, kung paanong sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na palihim na magpapasok ng mga nakapipinsalang turo. Itatakuwil nila pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na nagdadala sa kanilang sarili ng mabilis na pagkapuksa’ (2 Pedro 2:1).
Isang interesanting paglalarawan ay ang talinhaga ng kayamanan sa bukid. Ang buong bukirin ay natubos para sa kayamanan. (ang bukirin ay tumutukoy sa sanlibutan, Mateo 13:38,44). Ang kamatayan ni Cristo ay nagbibigay sa Kaniya ng titulo upang , o karapatan sa, buong sanlibutan – ang lahat ay binili (ito ay karagdagan pa sa Kaniyang titulo bilang Manlilikha).

2.14 Kailan pinasan ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng mga sumasampalataya sa Kaniya?
Upang maging maliwanag: hindi sa panahon ng Kaniyang buhay, at hindi doon sa Kaniyang libingan – ni hindi rin sa loob ng unang tatlong oras Niya doon sa krus. Pinasan ni Cristo ang ating mga kasalanan sa loob ng tatlong oras ng kadiliman’ (Mateo 27:45). Sa mga oras na iyon, nagkaroon ng kadiliman – at katahimikan. Wala tayong maririnig sa Panginoon hanggang sa ika-siyam na oras. Sa katapusan, walang tao na makakaarok kung ano ang nangyari sa mga oras na iyon subali’t ang sigaw ng Panginoon sa katapusan ng mga oras na iyon, ay makapapagpaliwanag sa atin ng bahagya: ‘Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?’ (Mateo 27:46).
Tanging si Cristo ang pinabayaan ng Dios, at tanging sa loob lamang ng tatlong oras na iyon na kung kailan ay ginawa Niya ang pagtubos. Bago ang mga oras na ito ay tinatamasa Niya ang walang patlang na komonyun sa Dios – parati. Kaniya ring tinamasa ang komonyun na ito pagkatapos, sapagka’t kaniyang kinausap ang Ama at Kaniya’y inilagak Niya ang Kaniyang espiritu sa mga kamay ng Ama (Lucas 23:34,46). Gayon din sa 1 Pedro 2:24

2.15 Bakit pinabayaan ng Dios ang Panginoong Jesus?
Tunay nga na ito ay ganap na taliwas sa karanasan at mga inaasahan (Awit 37:25). Ang sigaw ng Panginoon, ‘bakit mo ako pinabayaan’ ay mababasa sa Awit 22:1, na nagpapaliwanag, na sa normal na kalalagayan, ang mga nagtitiwala sa Dios ay ‘ligtas’ at ‘hindi nangapapahiya’ (tal.4 at 5). Kaya nga’t paano Siyang pinakamatapat sa lahat ay maaaring pabayaan ng Dios? Ang unang sagot ay ‘nguni’t ikaw ay banal’ (tal. 3). Nang pasanin ni Cristo ang ating mga Kasalanan, ang Dios sa Kaniyang kabanalan ay kinailangang iagwat ang Kaniyang sarili at nangailangan pa ring hatulan Siya, upang ‘mabugbog Siya’ (Isaias 53:10). Ang pangalawang kasagutan ay matatagpuan sa Bagong Tipan: ‘ginawa niyang may kasalanan siya na hindi nakakilala ng kasalanan, upang sa kanya tayo'y maging katuwiran ng Dios’ (2 Corinto 5:21). Kaya nga dahilan sa ating mga kasalanan si Cristo ay pinabayaan ng Dios (Siya sa ganang kaniyang sarili ay walang kasalanan, tingnan ang T 1.6). Hindi ba’t karapat-dapat Siya sa walang hanggang pagsamba dahil dito?

2.16 Siya ba ay pinabayaan ng Kaniyang Ama?
Hindi ito ang sinasabi ng Kasulatan. Kapag tinutukoy ang pag-iwan sa Kaniya, ang gamit ng pananalita ay parating sa Dios: ‘Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?’ (Mateo 27:46; Marcos 15:34; Awit 22:1).
Sa kabilang dako, sa pagtukoy kay Cristo bilang Anak ng Ama, pinagtitibay ng kasulatan na Siya ay, at parating, nasa dibdib ng Ama (Juan 1:18). Walang pagtatangka na unawain ang mga bagay na nakatago mula sa atin o lagpas sa ating pang-unawa, makabubuti sa atin na tandaan ang pagkakaibang ito.
Isang pagsasalarawan ang maaaring makatulong sa atin. Ipagpalagay natin na may isang hukom na ang kaniyang sariling anak ay nakaharap sa kanya at napag-alaman na ito’y nagkasala, ano ang mangyayari? Ang hukom – bilang hukom – ay kinakailangang ibaba ang kahatulan ng kaniyang anak bilang nagkasala, subali’t ang kaniyang puso – bilang ama – ay parating mananatili kasama ng kanyang anak. Syempre pa, ang Panginoon ay hindi nagkasala sa ganang Kaniyang sarili, subali’t siya’y hinatulan para sa ating mga kasalanan.
Sa totoo, ang pandiwa ‘upang maging’ sa orihinal na Griyego ay isang pangkasalukuyan kalalagayan, at dahil dito ito ay walang panahunan: (‘ang bugtong na Anak, ay nasa dibdib ng Ama’).

2.17 Siya ba ay nanatiling pinabayaan ng Ama nang Siya ay mamatay?
Hindi. Sinabi Niya, ‘naganap na’ (Juan 19:30) at Kaniyang ibinigay ang Kaniyang espiritu sa mga kamay ng Ama. (Lucas 23:46). Tingnan din T 2.14.

2.18 Paano natin malalaman na tinanggap ng Dios ang halaga na ibinayad ni Jesus?
Eh, mayroong makikitang katunayan para dito. Kinuha ng Dios si Cristo – na ipinako ng tao doon sa krus – at ibinangon Niya Siya mula sa mga patay. Hinango Niya Siya mula sa pinakamababang lugar at ibinigay sa Kaniya ang pinakamataas na karangalan, sa Kaniyang kanang kamay (tingnan ang Efeso 1:19-23 at Mga Gawa 2:24,32; 3:15 atbp.). Tayo kung magkagayon ay walang pag-aalinlangan na tinanggap ng Dios ang halaga – si Cristo ay muling binuhay para sa ating pag-aaring ganap (Roma 4:25).

2.19 Maaari bang maligtas ang sinoman sa pamamagitan ng matuwid na buhay ng Panginoon?
Hindi. Kinailangan ang kamatayan. Kundi, ‘ang butil ng trigo’ ay mananatiling nag-iisa (Juan 12:24). Kung walang pagbubuhos ng dugo (kung walang pagbibigay ng buhay) walang kabayaran ng mga kasalanan (Hebreo 9:22). Kung tayo ay iniligtas ng matuwid na buhay ni Cristo (naingatan Niya ang mga kautusan) kung gayo’y bakit namatay pa rin si Cristo? ‘…sapagka’t kung ang katuwiran ay sa pamamagitan ng kautusan, kung gayo’y namatay si Cristo ng walang kabuluhan’ (Galacia 2:21).
Sa kontekstong ito, ating pansinin ang Roma 5:10 ‘sapagka’t nang tayo’y mga kaaway pa, tayo’y pinakipagkasundo ng Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, higit pa rito, tayo rin ay maliligtas sa pamamagitan ng kaniyang buhay.’ Ang talatang ito ay totoong nagsasabi na tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng Kaniyang buhay’ subali’t ito ay tungkol sa:
- mga taong naipagkasundo na
- isang kaligtasan mula sa mga kahirapan ng ating mga landasin, at hindi tungkol sa ating walang hanggang kaligtasan
- buhay ng Panginoon pagkatapos ng kaniyang kamatayan, sa pagkabuhay na muli, sa langit, at hindi sa Kaniyang buhay sa lupa bago ang Kaniyang kamatayan.

2.20 Bakit isang seryosong pagkakamali kapag ang isa ay nagtuturo na ang isang taong naligtas na ay mawawala pa ang kaligtasan?
May mga nagtuturo na ang isang mananampalataya ay ligtas na subali’t, kung hindi siya matapat, maaaring mawala ang kaniyang kaligtasan. Ngayon, nangangahulugan ito ng pagsasabing kinakailangan mo ng dalawang mga bagay upang maligtas: una, ang gawa (kamatayan) ni Cristo, at pangalawa, ang iyong sariling banal at matapat na buhay. Ang pagsasabing ang mananampalataya ay maaaring mawalan ng kaniyang kaligtasan kung gayon ay isang insulto sa kung ano ang Kaniyang nagawa doon sa krus!
Bukod sa rito, kung ang kaligtasan ay nakasalalay sa ating katapatan, kailanman ay hindi tayo magkakaroon ng ‘kapayapaan sa Dios’ at kailanman ay hindi tayo makakatiyak na ‘wala ng kahatulan’ sa atin – subali’t ang dalawang ito ay parehong may katotohanan (Roma 5:1; 8:1).

2.21 Ano ang pakikipagkasundo?
Ang pakikipagkasundo ay nangangahulugan na ‘pagkakaroon ng pakikiisa.’Ang mga magkakaaway ay nangangailangan ng pakikipagkasundo. Hindi nangailangan ang Dios na makipagkasundo sa tao pero ang tao ay kinakailangang makipagkasundo sa Dios (2 Corinto 5:20). Ang pakikipagkasundo ay ay hindi kapareho ng pangpalubag-loob (tingnan T 2.7) subalit mangyayari lamang ito sa sandali na magawa na ang pangpalubag-loob.

2.22 Ang lahat ba ay maliligtas din sa katapusan?
Ang Biblia ay nagsasabi na ang lahat ng mga bagay ay maipagkakasundo – subali’t hindi ang bawat tao. Ang mga talatang nabanggit ay ang sumusunod: ‘Sapagkat minagaling na ang buong kapuspusan ay manirahan sa kanya, at sa pamamagitan niya ay pagkasunduin ng Diyos sa kanyang sarili ang lahat ng mga bagay, sa lupa man o sa langit, na ginagawa ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang krus’ (Colosas 1:19,20).
Ang talata ay tumatalakay tungkol sa ‘mga bagay’, hindi mga tao. Ang buong sangkalawakan ay naapektuhan and nadumhan ng kasalanan ng tao. Kung gayon, ang lahat ng ‘mga bagay’ ay nangangailan (at mangyayari) na ibabalik sa pakikipagkasundo sa Dios – ang lahat ay nakasalig sa gawa ng Panginoong Jesus sa krus: ‘ginagawa ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang krus’

2.23 Ano ang ‘unibersalismo’?
Ito ay isang maling aral na nag-aangkin na ang lahat ng mga tao ay maliligtas sa katapusan. Ang Biblia kailanman ay hindi nagsasabi nito, bagaman ang ilang mga talata ay naipaliwanag ng may kamalian upang sa wari’y gayon ang sinasabi ng mga ito (tingnan T 2:22). Higit dito, ang unibersalismo ay lumilipad sa mukha ng mg kasulatan gaya ng Juam 3:36 ‘Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay nananatili sa kanya.’ Paano sila magiging ligtas sa katapusan? Yaong ‘sinomang sumasampalataya’ ang may buhay na walang hanggan, hindi simpleng ‘sinoman’ lamang (Juan 3:16).
