Ang Panginoong Jesu-Cristo – Ang Kaniyang Mga Gawain
Natingnan na natin ang ilang mga aspeto ng kaluwalhatian ni Cristo (kabanata 1) at ang kaluwalhatina ng Kaniyang gawain doon sa krus (kabanata 2). Karadagan sa mga kaluwalhatiang ito may maluwalhating mga tanggapan si Cristo. May mga kinalaman ito sa kaniyang mga gawain ngayon at sa hinaharap.
3.1 Ano ang ginagawa ng Panginoong Jesus bilang ating Dakilang Punong Saserdote?
Ang Panginoong Jesus ay ang Punong Saserdote at bilang gayon, ay namamagitan para sa atin (Roma 8:34 at Hebreo 7:25,26). Magagawa Niya ng may kasakdalan na sumaklolo sa mga tinutukso sapagka’t Siya ay naging tao at sa ganitong paraan, ay naging ‘kagaya ng kanyang mga kapatid’ (Hebreo 2:17,18). May kasakdalan na magagawa Niyang maki-simpatiya sa atin sa ating mga pagsubok at mga suliranin sapagka’t Siya ay ‘isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin, gayunma'y walang kasalanan (Hebreo 4:15). Nalalaman at nauunawaan Niya ang ating mga kahinaan (gutom, uhaw, kapaguran, sakit at kalumbayan) ng buong kasakdalan.
Sa Lumang Tipan, mayroong dalawang mga mahalagang punong saserdote: Si Aaron at si Melchisedec: Ang gawain ni Aaron ay ang pumasok sa dakong banal (‘mamagitan’) sa ngalan ng bayan at gumawa ng pagtubos para sa kanila sa kabanal-banalang dako, minsan sa isang taon (Levitico 16). Sa kabilang dako si Melchisedec ay pinalakas si Abraham sa pamamagitan ng tinapay at alak pagkatapos ng laban niya sa mga hari (Genesis 14:18). Kaniyang pinagpala si Abraham at kaniyang niluwalhati ang pinakamataas na Dios’ (Genesis 14:19,20).
Ngayon, ang Panginoong Jesus ay ang Punong Saserdote ayon sa hanay ni Melchisedec (Hebreo 5:10), subali’t ang gawaing Kaniyang ginagawa ay kagaya ng pagka-saserdote ni Aaron: Gumawa Siya ng katubusan para sa atin doon sa krus, at Siya ay namamagitan para sa atin. Sa hinaharap, pagkatapos ng yugto ng kapighatian, Kaniyang palalakasin ang mga natirang mga Judio pagkatapos ng kanilang pakikibaka, gaya ng ginawa ni Melchisedec kay Abraham, at Kaniyang ipakikilala ang Kaniyang pang-isang libong taon ng paghahari ng pagpapala sa Israel. Sa oras na iyon ang Dios ay sasambahin bilang Siyang pinakamataas na Dios.’

3.2 Ano ang ginagawa ng Panginoon bilang Tagapagtanggol.
Bilang tagapagtanggol, ang Panginoong Jesus ay nakalaan para sa atin nang tayo ay mga nangagkasala. Ang mga mananampalataya ay hindi nararapat magkasala, subali’t sila nga ay nagkakasala pa rin kaya’t: ‘Mga munti kong anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo, upang kayo'y huwag magkasala. Ngunit kung ang sinuman ay magkasala, tayo ay may Tagapagtanggol sa harap ng Ama, si Jesu-Cristo na siyang matuwid’. (1 Juan 2:1). Siya ay tunay na kakaiba at may kakayahang magagawa ang ating adhikain sapagka’t ‘Siya ang matuwid.’
Salamat sa Dios, hindi Siya naghintay hanggang sa ating ipahayag ang ating mga kasalanan sa bago Siya kumilos upang dalahin ang pagbabata. Sa sandali na tayo ay mangagkasala, meron tayong tagapagtanggol sa Ama.

3.3 Maghahari ba si Cristo bilang hari sa sanlibutan?
Oo. Ang Lumang Tipan ay puno ng mga hula na nagpapatibay nito. Upang banggitin ang ilan sa mga ito bilang halimbawa: ’Gayunma'y inilagay ko ang aking hari sa Zion, sa aking banal na burol’ (Awit 2:6); ‘Ang Panginoon ay magiging Hari sa buong lupa; sa araw na iyon ang Panginoon ay magiging isa, at ang kanyang pangalan ay isa.’ (Zacarias 14:9). Tingnan din ang Awit 72:8-11 bilang halimbawa.
Ang mga kasulatang ito ay hindi nag-iiwan ng alinlangan na ang ating Panginoon ay literal na maghahari sa lupa.

3.4 Bakit ito ay mahalaga?
Ito ay mahalaga sapagka’t sinabi ito ng Dios, at gayon din sapagka’t si Cristo ay itinatuwa nang Siya ay nasa sanlibutan sa biyaya. Idineklara ng Dios na Siya ay maghahari at kikilalanin ng pangkalahatan sa lugar na kung saan Siya ay tinanggihan. Nangangahulugan din ito na ang oras ng tunay at maaayos na pamahalaan ay darating din sa wakas para sa sanlibutang ito.
Pinagpakumbaba ni Cristo ang Kaniyang sarili at tiniyak ng Dios na Siya ay matataas (Filipos 2:5-11; Isaias 52:13-15).

3.5 Kailan mangyayari ito, at gaano katagal?
Ang oras ng iglesia ay matatapos sa pag-agaw. Kung magkagayon, posibleng ang patlang, na mga pitong taon ng kapighatian ay susunod. Sa katapusan nito, si Cristo ay magpapakita sa kapangyarihan at itatayo ang Kaniyang kaharian. Ang Kahariang ito ay magtatagal ng 1,000 mga taon: ‘…Sila'y nabuhay at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.’ (Pahayag 20:4). Ito ang dahilan kung bakit ang pagdating ng kaharian ay madalas na tinutukoy bilang ‘Milenyo’ (mula sa salitang Latin para sa ‘1000 mga taon’).

3.6 Ano ang kalalagayan sa Milenyo?
Si Cristo ay maghahari sa kapayapaan (Awit 72:7), ang katuwiran (Isaias 11:3-5), at ang kabanalan (Awit 47:8 at Zacarias 14:20,21). Ang daigdig ay madadalisay sa hangganan na tinukoy ni Isaias bilang isang ‘bagong lupa’ (Isaias 65:17; 66:22). Ang kaayusan sa pagkalikha ay muling maibabalik: ‘ang lobo rin ay maninirahang kasama ng cordero…’ atbp. (Isaias 11:6-8; Roma 8:19-22). At ang lupa ay mapupuno ng kaalaman tungkol sa Panginoon, gaya ng pagkapuno ng tubig sa dagat’ (Isaias 11:9). Tingnan din ang Isaias 35.
Ito ay magiging panahon ng kagalakan (Isaias 65:18,19). Si Satanas ay nakagapos at nakakulong sa ‘balon’ (Pahayag 20:1,2). Kung ang sinoman ay magkasala (ito ay posible pa rin; si Satanas ay igagapos subali’t ang mga tao sa mundo ay nananatiling nasa makasalanang likas at makakagawa ng kasalanang sinadya) lalaki man o babae, siya ay mabilis na mahahatulan (Awit 101:8; Isaias 65:20).
Ang Israel ang magiging sentro ng kaharian ni Cristo dito sa lupa at ang daluyan ng pagpapala ng mga bansa (Isaias 2:2-4; 65:18-20; Zacarias 8:20-23; 14:16,17).
Ang Iglesia, sa mga panahong iyon ay ang magiging makalangit na lunsod, ang ‘banal na Jerusalem’ (Isaias 21:9 – 22:5).

3.7 Tama ba para sa mga Cristiano na tawagin si Cristo bilang kanilang ‘Hari’?
Hindi, ngayon man, o sa hinaharap. Siya ang kanilang Panginoon at Siya ay magiging Hari, pero hindi nila. Sa pangkalahatan, ang mga kasapi ng Maharlikang Pamilya ng Britanya ay hindi tinatawag ang Reyna bilang ang “Iyong Kamahalan.’ Sila ay tunay na mas malapit kaysa ibang mga nasasakupang niya.
Sa ganitong paraan din, ang mga Kristiyano ay bahagi ng kasintahang babae, ang iglesia [1] at kung magkagayon ay nakikilala Siya bilang ang kasintahang lalaki, bilang pangulo ng iglesia (tingnan ang T 3.10), at bilang kanilang Panginoon (tingnan T 3.8).
1 tingnan ang kabanata 7: ‘Ang Iglesia Ngayon’

3.8 Ano ang ibig sabihin ng ‘Pagka-Panginoon ni Cristo?’
May kasiyahang kinikilala ng mga Kristiyano na si Cristo ang kanilang Panginoon. Ang mga sanaysay ng ebanghelyo ay nagpapakita na ang mga alagad, sa kanilang pagturing kay Cristo, ay tinawag Siyang ‘Panginoon’ (Juan 13:13; 21:7). Pagkatapos ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo ang deklarasyon ay ginawa na ginawa Siyang ‘Panginoon at Cristo’ (Mga Gawa 2:36). Ito ang nagpapakilalang tanda ng mga Kristiyano na kanilang ‘tinatawag ng may kabihasnan ang pangalan ng Panginoon Jesu Cristo’ (1 Corinto 1:2; 2 Timoteo 2:22). Ang mananampalataya ay may pagkaunawa na sila’y ‘binili sa halaga’ (1 Corinto 6:20) at dahil dito ay kinikilala ang pagka-panginoon ni Cristo. Kaniyang itinuturing ang sarili bilang isang ‘lingkod ni Cristo’ (1 Corinto 7:22).

3.9 Si Cristo ba ay Panginoon ng mga sumasampalataya lamang, o gayon din sa mga hindi mananampalataya?
Ang mga karapatan ng pagka-panginoon ni Cristo ay sumasaklaw din sa mga hindi mananampalataya, na mga nagsusumikap na hindi nila pansinin ito. Sa kontekstong ito isang kakaibang salita ang ginamit sa Bagong Tipan (‘bulaan’, tingnan ang 2 Pedro 2:1). Subali’t ‘ang lahat ng dila’ ay ‘magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon’ (Filipos 2:11). Ito ay mangyayari sa panahon ng Kaniyang pagpapakita sa kaluwalhatian (tingnan T 4.12 – T 4.15).

3.10 Ano ang ibig sabihin ng ‘Pagka-Pangulo ni Cristo’?
May ilang mga ibat-ibang mga aspeto ng pagka-pangulo ni Cristo. Siya ang ulo:
- personal ng bawat isang lalaki (1 Corinto. 11:3)
- ng lahat ng mga bagay sa buong sangkalawakan (Efeso. 1:20-23)
- sa kabuuang bahagi ng iglesia (Efeso. 1:23; 5:23; Colosas 1:18).
Ang pagka-panginoon ni Cristo ay naka-ugnay sa Kaniyang kapamahalaan sa bawat isang mananampalataya bilang Kaniyang lingkod. Ang pagka-pangulo ni Cristo ay naka-ugnay sa ating mga pangkaraniwang mga pananagutan bilang mga sangkap ng Kaniyang katawan (tingnan T 7.8) upang sundin ang Kaniyang mga tagubilin sa ating mga pinagsama-samang mga lakad.
Ang ulo ay hindi lamang nagbibigay ng direksyon sa katawan, inaalagaan din niya ito.
Si Cristo bilang ulo ng lalaki; ang lalaki na namatay at muling binuhay at ngayon ay niluwalhati sa langit (hindi Siya maaaring maging ulo ng katawan bago mahugis ang katawan; Colosas 1:18).
Ang mga mananampalataya ay kinakailangang tiyakin na ang kanilang5 praktikal na pamumuhay ay sumasalamin sa katotohanang si Cristo ang kanilang Pangulo (Colosas 2:19; Efeso 4:15).
