Si Jesu-Cristo – Ang Kaniyang muling Pagparito
Tinapos ni Cristo ang gawain doon sa krus (kabanata 2). Ngayon, sapagka’t nakabalik na Siya pataas sa langit, Siya ay nananatiling aktibo para sa atin sa ilang ibat-ibang mga gawain at mga punsyon (kabanata 3). Sa hinaharap, Siya ay muling darating. Ang pagdating na ito ay mangyayari sa dalawang mga bahagi: ang pag-agaw at ang pagpapakita. Ang mga katanungan at mga kasagutan ay sinadya upang ang dalawang mga pangyayaring ito ay maganap at ang kanilang mga kaniya-kaniyang mga katangian.
4.1 Ano ang hinihintay ng mga Kristiyano?
Ang mga Kristiyano ay naghihintay sa pagdating ni Cristo upang kuhanin (o ‘pag-agaw’) silang palabas mula sa sanlibutan.
Ang pangyayaring ito ay inilarawan sa 1 Tesalonica 4:16,17: ‘Sapagkat ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw, Pagkatapos, tayong nabubuhay na natitira ay aagawing kasama nila sa mga ulap, upang salubungin ang Panginoon sa papawirin...’
Nalalaman natin mula rito na si Cristo ay personal na darating, at ito ay magaganap sa mga alapaap hindi dito sa lupa.
Ang katotohanang ito ng pag-agaw ay hindi ipinahayag sa Lumang Tipan: ‘Makinig kayo, sasabihin ko sa inyo ang isang hiwaga. Hindi tayong lahat ay mamamatay, ngunit tayong lahat ay babaguhin’ (1 Corinto 15:51).
May ilang mga Kristiyano na iniisip na kinakailangan nilang maghintay para sa kaharian o subukan ihanda ang daan para dito. Gayunman, sinasabi ni Cristo ‘Oo, ako'y malapit nang dumating,’ ‘Amen. Pumarito ka Panginoong Jesus!’ (Pahayag 22:20). Tingnan din ang Juan 14:2,3 at Mateo 24:45-50.
4.2 Mayroon pa bang mga hula na kinakailangang matupad bago ang pag-agaw?
Hindi – ganap na wala na. Ang pag-agaw ay maaaring mangyari anomang sandali. Sa 1 Tesalonica 4:16,17 na binanggit sa T 4.1, sinasabi ni Pablo, ‘tayong nabubuhay na natitira ay aagawing kasama nila sa mga ulap’. Ipinakikita nito na Kahit ang mga Kristiyanong nabuhay noong unang siglo – ay mga nagsiasa rin sa pagparito ng Panginoon sa anomang sandali, at may katiyakan sa kapanahunan ng kanilang mga buhay.
4.3 Ano ang ibig sabihin ng pag-agaw para kay Cristo?
Ang pag-agaw ay ang kaganapan na hinihintay ni Cristo ngayon. Siya ang kasintahang lalaki at magiging isang kagalakan para sa Kaniya upang sunduin ang Kaniyang kasintahang babae at makasama Niya. Mabuti para sa atin ang pag-isipan ito, gaya ng sinabi ni Pablo: ‘Patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pag-ibig ng Dios at sa katatagan ni Cristo’ (2 Tesalonica 3:5). Mayroon tayong isang ilustrasyon nito sa buhay ni Isaac samantalang hihintay niya ang pagdating ni Rebecca (Genesis 24:63).
Samantalang Siya ay narito pa lupa, ang Panginoon ay dumalangin ng ganito, ‘Ama, nais kong ang mga ibinigay mo sa akin ay makasama ko kung saan ako naroroon, upang makita nila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin’ (Juan 17:24).
4.4 Ano ang kahulugan ng pag-agaw para sa mga na kay Cristo?
Mangangahulugan ito ng pagiging pinagpala; ang katapusan ng lahat ng paghihirap, mga luha, at kalumbayan. Higit sa lahat nangangahulugan ito na tayo ay makakasama na ni Cristo magpakailanman; ‘…at sa ganito’y sa sa Panginoon tayo magpakailanman’ (1 Tesalonica 4:17). Ito ay ginuhitan sa Juan 14:3: ‘Ako’y babalik, at tatanggapin ko kayo sa aking sarili; upang kung saan Ako naroon, kayo man dumuon.’
Ito ang magiging masaya at pinagpalang kaganapan ng pag-asa ng kasintahang babae at ng kaniyang paghihintay. Ganito ang pagkalarawan ng Kasulatan dito – ito ay totoo sa aking puso at sa inyo.
4.5 Paano natin malalaman na magkakaroon ng ‘panahon ng kapighatian’?
Ang Biblia ay nagsasabi sa atin nito. Si Jeremias ay nagsalita ng tungkol sa kaguluhan para kay Jacob (30). Pinagtibay sa sinabi ni Daniel ‘…At magkakaroon ng panahon ng kaguluhan na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong iyon’ (12:1). Sinabi rin ito ulit ng Panginoon sa Mateo 24:21 at Marcos 13:19.
4.6 Ano, kung gayon, ang kahulugan ng ‘ang kapighatian’?
Ito ay panahon ng kaguluhan pagkatapos ng pag-agaw (tingnan ang T 4.10). Magiging sangkot dito:
- una, ang buong sanlibutan (Pahayag 3:10; Mateo 24:6-7) atbp.
- pangalawa, ang Israel: magkakaroon ng kaguluhan para sa lahat ng sa Juda, mula sa Assyria (Isaias 28) bilang disiplina, at magkakaroon ng kapighatian lalo na sa nalalabing maliit na tapat na bahagi ng mga Judio na dudustahin ng Anti-Cristo (Mateo. 24:15ff).
4.7 Anong mga banal ang daraan sa kapighatian?
May mga ilan na nagsisipagturo na ang mga Kristiyano, samakatuwid ay ang mga mananampalataya na bumubuo ng iglesia [1], ay dadaan sa panahon ng kapighatian. Pero ito ba ang itinuturo ng Biblia? Hinding-hindi:
- Jeremiah 30:7 tinawag ito na ‘ang oras ng kaguluhan ni Jacob’ kaya’t ito ay tumutukoy sa mga Judio
- Daniel 12:1 tinalakay ito sa kaugnayan sa mga kababayan ni Daniel – minsan pa ito ay ang Israel
- Mateo 24 tumukoy sa parehong kaganapan gaya ni Daniel at higit sa riyan, nagbibigay ng isang bilang ng mga karadagang katunayan na ang mga taong tinukoy ay ang mga Judio: ang mga bundok ng Judea, ang araw ng Sabath, atbp.
- Pahayag 3:10 – totoo, ito ay para sa Iglesia sa Filadelfia, pero nagsasabi ito na ang mga tapat ay iingatan mula sa oras ng kapighatian, hindi ang sila ay magdaraan dito.
- Pahayag 7:9-14 kung gayon ay nagpapakita na ang mga matatanda (na kung saan ang iglesia ay kabahagi nito) ay mga naiibang uri mula doon sa mga dumaan sa kapighatian.
Ang lahat ng mga kasulatan na bumabanggit ng kapighatian kung magkagayon ay nagpapatibay sa kaparehong punto: ang mga banal na dadaan sa panahon ng kapighatian ay hindi mga bahagi ng iglesia; hindi sila mga Kristriyano.
1 tingnan ang kabanata 7: ‘Ang Iglesia Ngayon’
4.8 Ang mga Kristiyano ba ay nahaharap sa mga pagsubok at mga kapighatian?
Oo, sinabi ng Panginoon sa Kaniyang mga alagad, ‘Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa paguusig’ (Juan 16:33). Sa pangkalahatang katuturan, ang bawat isang na tunay na sumusunod sa Panginoon ay makakaranas ng mga kahirapan at kahit mga ‘paguusig’ sapagka’t ang sanlibutan ay laban kay Cristo. Gayunman, ito ay lubhang kakaibang bagay kumpara sa ‘kapighatian.’
Ang talata sa 2 Tesalonica 1:4-2:3 ay nagpapaliwanag na mga kapighatian na kinaharap ng mga taga Tesalonica ay totoong kakaiba mula sa ‘ang kapighatian’ – na may kinalaman sa pagdating ng ‘Araw ng Panginoon’ (2 Tesalonica 2:2; tingnan ang T 4.9).
4.9 Ano ang ‘Araw ng Panginoon’?
Ang kapahayagan na ‘Araw ng Panginoon’ [1]
63 ay ginamit sa Biblia upang
isalarawan ang isang panahunan, hindi isang araw na 24 na mga oras. Ang ‘araw’ na ito ay hindi magsisimula kundi pagkatapos ng pag-agaw ng Iglesia (tingnan ang T 4.1 – T 4.4; 2 Tesalonica 2:3,4 at ang T 4.11).
Ang Araw ng Panginoon, bilang gayon, ay nagsisimula sa Pagpapakita ni Cristo sa kaluwalhatian, subali’t ito ay ipakikilala sa kahindik hindik na mga kahatulan (Isaias 13:9; Joel 1:15; 2:1,11,31; Zepanaias 1:7-18, atbp.) na magaganap bago ang Kaniyang pagpapakita sa kaluwahatian. Ang ‘araw’ ding ito ay kinabibilangan din ng katapusan ng mundo (2 Pedro 3:10). Kung gayon ay kinabibilangang din ito ng pagpapakita ng Panginoon sa kaluwalhatian. (T 4.12- T 4.15) at ng Kaniyang isang libong taong paghahari (T 3.3 – T 3.6).
Ang Kristiyano ay hindi magdaraan sa mga kahatulang ito (T 4.7). Para sa Kaniya ang Araw ng Panginoon ay may kinalaman sa gantimpala at bunsod nito ay pananagutan (2 Corinto 1:14). Sa kontekstong ito, ang Araw ng Panginoon ay tinutukoy din bilang Araw ni Cristo (Filipos 1:10,2:16).
1 Literal na mga salin ginamit ang ‘Araw ni Jehovah’ sa Lumang Tipan (gaya ng JND).
4.10 Kailan mangyayari ang ‘panahon ng kapighatian’?
Sa panahon ng ikalawang hati ng isang piton-taon na kapanahunan – sa pagitan ng pag-agaw at ng kaharian. Sa mga hula ni Daniel humigit kumulang sa 70 mga linggo (1 linggo ng hula = 7 taon) sa Daniel 9, mayroong pagitan sa ika 69 na linggo at linggo ika 70 (Daniel 9:25-27). Sa katapusan ng ika 69 na linggo si Cristo ay napako sa krus (nahiwalay ang Mesiyas). Pagkatapos ay dumating ang panahon ng iglesia – na ating kinabubuhayan sa ngayon – hindi binanggit ni Daniel – kaya’t ang ika 70 linggo ay hindi pa nagaganap.
Sa panahon ng unang tatlong-taon-at-kalahati mga taon ng panahong ito ng kapighatian, ang kahatulang niloob ng Dios ay babagsak sa lupa (gutom, digmaan, atbp. Pahayag 6). Ang huling tatlong taon at kalahati ay magiging mas masama – isang panahon ng walang katumbas na kaguluhan: ‘Sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding paghihirap na hindi pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at hindi na mangyayari kailanman’ (Mateo 24:21).
Ang ikalawang bahaging ito ng linggo ay tinukoy bilang tatlong-taon-at-kalahati mga taon (mga panahon), bilang 42 mga buwan, at bilang 1,260 mga araw sa Pahayag 11-13 atbp. Ang paninikil ay manggagaling sa Judiong ‘Antikristo’ at mula sa pamahalaang naitayong muli na emperyo ng Roma (ang unang ‘halimaw’ ng Pahayag 13). Dagdag pa rito, ang mga kahatulan ng Dios ay babagsak sa lupa (tingnan ang Pahayag 6-19).
4.11 Ano ang mangyayari sa kalagitnaan ng ‘panahon ng kapighatian’?
Apat na mahahalagang mga pangyayari ang magaganap sa gitna ng linggo 70 (samakatwid tatlong-taon-at-kalahati na mga taon sa panahon ng kapighatian):
- Si Satanas ay ibinulid mula sa mga kalangitan tungo sa lupa (Pahayag 12:7-9)
- Ang mga paghahandog ng mga Judio sa templo ay titigil (Daniel 9:27)
- Ang antikristo ay uupo sa templo at mag-hihingi ng pagsamba (2 Tesalonica 2:4)
- ang ‘karumaldumal na paglapastangan’ ay itatayo doon (Mateo 24:15).
4.12 Ano ang pakahulugan natin sa ‘pagpapakita ni Cristo’?
Ang Panginoong Jesu-Cristo ay magbabalik dito sa lupa sa kapangyarihan, kasama ng mga anghel (2 Tesalonica 1:7) at ng Kaniyang mga banal (2 Tesalonica 1:10) na mga dinala sa langit sa panahon ng pag-agaw (tingnan ang T 4.1 at T 4.2).
Ang kaganapang ito ay naibalita na ng propeta sa Lumang Tipan (Daniel 7:13,14). Darating siya sa bundok ng Olivo (Zacarias 14:4) kung saan Siya ay tumaas patungo sa langit pagkatapos ng Kaniyang pagkabuhay na muli (Mga Gawa 1:9-12).
4.13 Ano ang kahulugan ng pagpapakita ni Cristo para sa Israel at kanlurang Europa?
Ang Israel o, mas tama, isang munting bahagi ng Israel (ang mga ‘labi’ – tingnan ang Roma 9:27 at Isaias 10:20-22) ay mapag-uunawa na si Cristo ay Siya na kanilang (ng buong bansa) pinako sa krus at sila ay magsisisi at tatanggapin Siya (Zacarias 12:10-14; Pahayag 1:7). Ang mas nakararaming mga tao ay hindi magsisisi at mahahatulan.
Ang Kanlurang Europa ay inilarawan sa mga hula bilang ang Emperyo ng Roma [1] na muling nabuhay (Pahayag 13), bilang isang konpederasyon ng mga ‘hari’ na nagsalin ng ilan sa kanilang kapangyarihan sa pangulo ng emperyo ito (Pahayag 17:13). Nakalulungkot, ang mga ito ang makikidigma sa kordero’, subali’t ‘mananaig sa kanila ang kordero’ (pahayag 17:14; 19:19). Kaniyang wawasakin ang mga kawal ng Kanlurang Europa sa pamamagitan ng hininga ng Kaniyang bibig (tingnan din ang ‘matalas na tabak’ na lumalabas mula sa Kaniyang bibig (Pahayag 19:21).
1 Ang unang hayop sa Pahayag 13 ay kumakatawan sa hinaharap na pangulo ng nabuhay na muling Emperyo sa Roma. Ang isang detalyadong katibayan ay higit sa kayang lamanin ng pulyetong ito – subali’t matatagpuan sa maraming mga mabubuting komentaryo sa Biblia para sa aklat ng Pahayag (lalo na ang mga kabanata 13 at 17).
4.14 Ano ang kahulugan ng pagpapakita kay Cristo?
Ito ang magiging sandali ng kaluwalhatian at pagtatanghal. Natanggihan na Niya na Siya’y gawing hari ng mga tao (Juan 6:15), ipinakilala ang Kaniyang sarili sa Jerusalem ng buong kapakumbabaan (Zacarias 9:9; Mateo 21:7-10) at itinakwil kapagdaka pagkatapos nito. Subali’t sa Kaniyang pagpapakita, Siya ay kikilalanin ng sangkalahatan (Filipos 2:10,11), niluwalhati at ‘hinangaan’ (2 Tesalonica 1:10). Siya na minsan ay nagdala ng putong ng koronang tinik (patungkol sa sumpa, Genesis 3:18) ay magsusuot kung magkagayon ng ‘maraming mga diadema’ (Pahayag 19:12) bilang ‘HARI NG MGA HARI, PANGINOON NG MGA PANGINOON’ (Pahayag 19:16).
4.15 Ano ang kahulugan ng pagpapakita ni Cristo para sa mga Kristiyano?
Bagaman ang mga Kristiyano ay naghihintay para sa pag-agaw (T 4.1), minamahal nila ang Kaniyang pagpapakita (2 Timoteo 4:8).
Sa isang banda, yaon ay magiging araw ng pagpapakita para sa kanila kung kailan ang mga bunga ng gawa ni Cristo at ng kanilang paglilingkod ay makikita (Filipos 1:6,10; 4:1 – T 4.9) at magdagdag sa kaluwalhatian at paghangang Kaniyang tinatanggap (2 Tesalonica 1:10) Sa isang banda, at mas mahalaga, ito ang araw kung kailan ang kanilang Panginoon – na kanilang sinundan nang Siya ay tinanggihan – ay pararangalan at kikilalanin ng lahat.
Ang araw ng pagpapakita para sa ‘Hari ng mga hari’ ay magiging isang araw ng kagalakan para sa Kaniyang kasintahang babae.