Ang Ebanghelyo ng Kaligtasan – Kalayaan mula sa Kapangyarihan ng Kasalanan
Kapag ang mga tao ay lumapit kay Cristo, ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at nagtiwala sa Kaniya na ang Kaniyang gawa doon sa krus ng kalbaryo ay sapat para sa kanila, sila ay napupuno ng kagalakan. Kanilang napaguunawa na meron silang ‘kapayapaan sa Dios’ (Roma 5:1). Ang marami sa kanila ay humahayo at sinasabi sa bawat isa na alam nila kung ano ang kanilang natagpuan at kung gaano sila kaligaya. Nang bigla, may mabilis na mga pangyayari at nagkaroon ng suliranin. Nagkaroon sila ng isang masamang kaisipan o nakapagsalita sila ng isang masamang salita, o mas masahol pa sa mga ito. Paano ngayon? Nagpasimula silang tanungin ang kanilang sarili, ‘paano ko nagawa ito? Naipahayag ko na ang lahat kong mga kasalanan at tinanggap ko na si Cristo bilang aking Tagapagligtas. At ngayon nagkasala na naman ako.’ At pagkatapos ang pag-aalinlangan ay dumarating: ‘Tunay kaya ang aking pagbabalik-loob? Sapat ba ang aking pagsisisi? Bakit ako nagkasala ulit?’ Ang mga sumusunod na mga katanungan at mga kasagutan ay makakatulong sa suliraning ito.
6.1 Ano ang pagkakaiba ng kasalanan at mga kasalanan?
Pareho ng pagkakaiba sa pagitan ng isang puno at ng mga bunga nito. Ang mga kasalanan ay mga gawang makasalanan, gaya ng mga bunga na nililikha ng isang puno. Ang kasalanan ay ang puno mismo, ang pinangagalingan ng mga gawang makasalanan. Ito ang dahilan kung bakit ang kondisyon ng tao ay mas masama kaysa kung paano ito sa tingin. Hindi sapat na lutasin ang problema ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalis lamang sa kanila o pagbabayad lamang sa mga ito. Ang pinanggagalingan ng mga ito ang siyang kinakailangang din gamutin, ang kasalanan mismo sa ganang sarili.

6.2 Ano ang banal na kasagutan para sa mga kasalanan at para sa kasalanan?
Ang mga kasalanan ay pinatawad. Kung naniniwala ka kay Cristo, ikaw ay inaaring matuwid mula sa iyong mga kasalanan. Ang kasalanan bilang gayon, sa kabila nito kailanman ay hindi maaaring patawarin o pawalang sala. Maari lamang na ito ay hatulan. At ito mismo ang ginawa ng Dios doon sa krus (Roma 8:3).

6.3 Ang mananampalataya ba ay nasa ilalim pa rin ng kasalanan?
Hindi. Ang isang mananampalataya ay maaaring magkasala (1 Juan 2:1), subali’t hindi niya kinakailangang magkasala, at hindi siya dapat magkasala. Ang kasalanan ay hindi isang pananagutan para sa kaniya, ni hindi rin ito isang bagay na hindi maiiwasan.
Para makita kung paanong ang isang mananampalataya ay pinalaya na mula sa kapangyarihan ng kasalanan, tingnan ang mga sumusunod na mga katanungan.

6.4 Ano ang dalawang mga lahi sa Mga Taga Roma 5?
Ang bawat isang tao ay maaaring anak na lalaki o anak na babae ni Adan mula sa kapanganakan subali’t silang mga tumanggap kay Cristo at naniniwala sa Kaniya ay nagiging isang sangkap ng Kaniyang lahi sa kabilang dako. Ang ating kamatayan kay Cristo ang siyang nagtatapos ng ating kaugnayan kay Adan na anupat tayoý nagiging mga sangkap ng bagong lahing ito na si Cristo ang Pangulo.

6.5 Ano ang naging kasunod ng pagiging nasa lahi ni Adan?
Ang bawat anak ni Adan ay nagmamana ng kasalanan mula sa kaniya, at bilang bunga nito, ng kasalanan, ay mayroong kamatayan. Kahit kailan ay hindi pa ito nagbabago, na nagpapatunay lamang na nakarating kasalanan sa bawat anak ni Adan. Ang kasalanan at ang bawat mga kasalanang bunga nito ay humahantong sa kamatayan (Roma 5:12).

6.6 At ano ang mga katangian ng mga yaong nabibilang sa lahi na pinamumunuan ni Cristo?
Ang biyaya ng Dios ay sumagana, at ito may ay lubhang nanagana para sa marami, at isang maligaya at pinagpalang bunga nito ay ang pag-aaring ganap na dumating (talata 15-19). Sa ibang mga salita, ang bawat miembro ng pamilya ni Cristo ay inaring ganap.

6.7 Kung gayon, kung ako ay maging bahagi ng lahing ito pinamumunuan ni Cristo sa biyaya, maaari ba akog magpatuloy sa kasalanan?
Hindi – ang biyaya kailanman ay hindi pandahilan upang magkasala (tingnan din ang sumusunod na tanong).

6.8 Bakit hindi maaaring idahilan ng isang mananampalataya na magpatuloy sa kasalanan (Roma 6:1)?
Sapagka’t tayo ay mga patay na kung ang pag-uusapan ay ang kasalanan.[1] Ang ating bautismo ‘kay Cristo’ ay isang larawan nito sapagka’t ipinapakita nito na tayo ay mga nakalakip sa Isan na namatay doon sa krus gawa ng kasalanan. Kung Siya ay namatay, tayo man ay namatay din gaya ng ating ‘lumang pagkatao’ – kung pag-uusapan tayo bilang mga anak ni Adan.
1 May mga ilan pang mga kadahilanan! Ang pagpapatuloy sa kasalanan ay insulto sa biyaya at kay Cristo mismo sa Kaniyang Sarili na nagdusa para sa ating mga kasalanan. Magiging isang malaking pagkakamali at ganap na hinatulan na sa Mga taga Roma (gaya ng: 3:8; 6:1,2, 15-18). Kung tinanggap mo na si Cristo at alam mo ang napakadakilang halaga na Kaniyang binayaran (ang pagbuhos ng Kaniyang dugo), gugustuhin mo na bigyan kaluguran Siya, hindi insultuhin Siya sa pagpapatuloy mo sa kasalanan.

6.9 Kung gayon bakit nangyayari na sa lahat ng mga oras, nakakagawa pa rin ako ng kasalanan? Hindi ba’t ako’y patay na kasama ni Cristo?
Sa Mga taga Roma 6:6 ating nalalaman ang tungkol sa ‘lumang pagkatao’ (tingnan T 6.10) at Siya nga ay napako kasama niCristo. Subali’t kailangan din nating matuto, kadalasan sa pamamagitan ng mga masakit na mga karanasan, na nasa sa atin pa rin ang laman (‘laman’ sa kontekstong ito ay hindi tumutukoy sa ating katawang pisikal kundi sa ating likas na makasasalanan). Ito ang kadahilanan kung bakit nagagawa pa rin natin ang gumawa ng mga kasalanan. Para sa higit na kaalaman sa tanong na ito, tingnan ang mga katanungan sa Roma 7 (T 6.17-6-23).

6.10 Ano ang pakahulugan na ang ‘ang ating dating pagkatao ay napako kasama Niya’ (Roma 6:6)?
Ang ating ‘dating pagkatao’ ay kumakatawan sa kung ano tayo dati bago nangyari ang ating pagbabalik-loob sa Dios, bilang mga anak ni Adan, bilang mga angkan ng pamilya ni Adan (Roma 5:12). Bago ang ating pagbabalik-loob, tayo ay mga may pananagutan sa harap ng Dios at mga nagkasala. Dahilan sa ating mga pagkakakilanlan kasama ni Cristo sa Kaniyang kamatayan, ipinahayag ng Dios na ang ating ‘dating pagkatao’ ay patay na rin. Hindi na Niya kinikilala tayo bilang kung ano tayo bago nangyari ang ating pagbabalik-loob, mga nagkasalang tao sa kanilang likas. Nararamdaman mo ba ito? Hindi. Subali’t nananatiling itong totoo sapagka’t sinabi ng Dios. Hindi ang ating mga damdamin kundi ang mga kaisipan ng Dios ang siyang may halaga. Kung gayon hindi na dapat na ikalito natin ang ating dating pagkatao (na patay na) sa laman, ang makasalanang nating likas, na nasa atin pa rin (Roma 7:17,18,25; 8:4; 1 Corinto 3:2,3).

6.11 Ano ang pakahulugan sa pahayag na ‘ang katawang makasalanan’?
Matatagpuan natin ang kapahayagang ito sa Roma 6:6b: ‘upang ang katawang makasalanan ay mawalan ng bisa, at upang tayo'y hindi na magpaalipin pa sa kasalanan.’ Ang ‘katawang makasalanan’ ay ang buong mekanismo o sistema ng kasalanan sa atin, ang buong prisipyo ng kasalanan sa tao.
Ang isang mananampalataya ay maaari pa ring makagawa ng isang kasalanan (syempre pa hindi nararapat gawin ito) subali’t ang kasalanan ay hindi na ang kaniyang panginoon (o syang may kontrol sa gitna).

6.12 Ang suliranin ng ating mga kasalanan ay nilutas na sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo para sa atin. Subali’t paano na ang suliraning ito ng kasalanan at ng kapangyarihan nito ay nilutas?
Hindi ito nilutas sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo para sa atin, kundi sa pamamagitan ng ating kamatayan kay Cristo.
Ihambing natin ito sa kaugnayan ng isang alipin sa kanyang panginoon nang panahong si Pablo ay sumusulat. Ang panginoong ito ay may pag-angkin para sa alipin pero habang ang alipin ay nabubuhay lamang. Sa sandali na mamatay ang alipin ang kanyang panginoon ay wala ng karapatan anuman sa kanya. Gayon din tayo. Sa ating pagkamatay kay Cristo, ang kasalanan ay wala nang anomang pag-angkin o kapamahalaan sa atin. Ito ang tinatawag nating pagkapalaya.

6.13 Ano ang kahulugan ng bautismo?
Ang bautismo ay nangangahulugan ng pakikiisa kay Cristo sa Kaniyang kamatayan. Kung paanong namatay si Cristo at inilibing, gayon din tayo ay nabautismuhan (Roma 6:2,3). Ang bautismo rin ay nagsasalita ng ibang mga bagay, gaya halimbawa na ang taong nabautismuhan ay nagiging isang alagad (Juan 4:1,2 at 1 Corinto 10:2) atbp, subali’t ang punto rito sa Roma 6 ay yaong tayo ay nakilala kasama ni Cristo sa Kaniyang kamatayan, namatay kasama Niya. Ating pansinin na ang pagiging nabautismuhan sa kaniyang sarili ay hindi nagbibigay sa atin ng karapatan o pag-angkin anoman sa isang dako doon sa langit.

6.14 Kung gayon paano ko nalalaman na ako’y namatay kasama ni Cristo? Mararamdaman ko ba ito?
Hindi. Hindi mo ito mararamdaman. Kung tinanggap mo si Cristo sa pananampalataya, kung gayon ito ay isang katotohanan at alam mo iyan sapagka’t sinasabi ng Salita ng Dios ito sa iyo bilang gayon (Roma 6:8,9).

6.15 Kung ako ay namatay na kasama ni Cristo, paano ito umaapekto sa aking kaugnayan sa kasalanan?
Ang kasalanan (ang prinsipyo ng kasamaan, ng paglaban sa Dios) ay wala nang anomang pag-angkin sa iyo. Ito ay gaya ng tao na nagbayad para sa isang tao ng isang napakalaking halaga upang siya ang pumunta doon sa digmaan para kanya. Nang ang gobyerno ay sumulat sa kanya at nagsasabing, ‘kailangan mong pumunta sa digmaan ngayon sapagka’t ang humalili sa iyo ay namatay na,’ sumagot siya sa pamamagitan din ng sulat at nagsabing, ‘dinaramdam ko hindi ako maaaring umalis, ako ay patay na.’ Kaniyang naunawaan na meron siyang karapatan na ituring ang sarili na patay na sapagka’t ang kaniyang kahilili ay namatay na.

6.16 Kung ako ay namatay kasama ni Cristo, ano ang praktikal na kahulugan nito sa aking pang-araw araw na pamumuhay?
Kapag ang kasalanan ay gustong gumamit ng lakas upang mag-angkin sa atin, tayo ay may karapatan – at obligado na isa-alang alang ang ating mga sarili bilang mga patay (tingnan ang sinundang tanong). Sa pananampalataya ating nauunawaan na wala tayong obligasyon upang bumigay sa kasalanan (Roma 6:10-14). Ito ay gaya lamang ng pag-upa ng isang tirahan sa isang nagmamay-ari ng isang tirahan. Kung may isa pang nagmamay-ari ang bumili ng tirahan, doon ka magbabayad sa pangalawang may ari at hindi doon sa unang may ari, sasabihin mo sa kanya na lumayas siya sapagka’t hindi na siya ang may ari ng iyong tirahan at wala na siyang karapatan sa iyo o sa tirahan. Ang iyong obligasyon ay sa kasalukuyang may ari ng tirahan. Mayroon tayong bagong Panginoon (Roma 6:15-23).

6.17 Nararapat ba na ang isang mananampalataya ay ingatan ang kautusan (o ilang mga panuntunan) upang masiguro niya na hindi siya nagkakasala (Roma 7:1-6)?
Hindi. Ang pag-iingat ng kautusan, o pagsunod sa mga panuntunan ay hindi daan na dapat tahakin. Isang makalamang prinsipyo sapagka’t ito ay sumasandig sa mga natural na kakayahan ng tao.[1]
Sa sandali na iyong subukan, kailangan mong aminin, kung matapat ka, na ikaw ay nabigo.
Ipinaliwanag ni Pablo na tayo ay mga patay na sa kautusan gaya ng pagiging patay natin sa kasalanan. Pansinin din na ang Dios lamang ang nagbigay ng kautusan kay Moises sa isang bansa, sa Israel, upang sila ang mag-ingat ng mga ito. Sa katanungan tungkol sa lakad ng mananampalataya, at ng mga kautusan na patungkol sa kanya, tingnan ang T 6.28.
1 Sinisikap ng tao na ingatan ang kautusan upang maligtas, o kung siya ay mananampalataya na, bilang paraan ng pagkuha ng pagpapala o pagpapanatili ng kanyang kaugnayan sa Dios. Pagkatapos nito ay nagtatapos sila sa kawalan ng pag-asa kapag kanilang napag-unawa kung gaano sila nabigo, o gaya ng nakatatandang kapatid sa Lucas 15 – mapagmataas sa panlabas, at hindi tunay na nakikilala ang Ama o ang pag-ibig Nito kapag iniisip nila na sila ay nagtatagumpay.

6.18 Paano kung gayon magagawa ng isang mananampalataya na mabuhay sa isang paraan na nakapgbibigay kaluguran sa Dios?
Hindi sa pamamagitan ng pag-iingat ng kautusan kundi sa pamamagitan na pagiging napupuno ni Cristo. Ito ay magbubunga na ating pagiging mas gaya Niya at nabubuhay para sa Kaniya sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Kung hahayaan natin ang Banal na Espiritu na punuin tayo ng Cristo, kung gayon ang Banal na Espiritu ay bibigyan tayo ng kapangyarihan upang mabuhay sa isang paraan na nagbibigay kaluguran sa Dios (tingnan T 6.27- T 6.31).

6.19a Sino ang ‘Ako’ sa mga taga Roma 7:7-25? Si Pablo ba ito?
Hindi. Hindi ito maaaring si Pablo sapagka’t kaniyang sinasabi, ‘minsan ako ay nabuhay na hiwalay sa kautusan…’ (tal. 9). Hindi ito maaaring iangkop kay Pablo sapagka’t siya ay isa na lumaki bilang isang estriktong Fariseo (Filipos 3:5).

6.19b Sino ang ‘Ako’ sa mga taga Roma 7:7-25? Ito ba ay ang hindi sumasampalataya?
Hindi, hindi maaari. Ang persona sa Roma 7 ay mayroon ng bagong kalikasan; ninanais niya na gawin kung ano ang mabuti (Roma 7:19) at sinasabi niya ‘Sapagkat ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios sa kaibuturan ng aking pagkatao (Roma 7:22). Maliwanag na ang mga ito ay nasain ng bagong kalikasan, na ibinibigay ng Dios sa bagong kapanganakan (Juan 3:3).

6.19c Sino ang ‘Ako’ sa mga taga Roma 7:7-25? Ito ba ay isang tunay na mananampalataya?
Isang tunay na mananampalataya, oo subali’t hindi sa isang normal na estado. Ang kapahayagan: ‘ngunit ako'y makalaman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan’ (tal. 14), ay hindi maaaring maging paglalarawan ng isang mananampalataya na nasa normal na estado.

6.19d Sino ang ‘Ako’ sa mga taga Roma 7:7-25? Sino ito kung gayon?
Ito ay isang persona na ipinanganak na muli (tingnan ang Juan 3:3) subali’t isang makalaman, at hindi nabubuhay sa espiritu (1 Corinto 3:1), nananalig sa sariling lakas, sinisikap na ingatan ang kautusan, sinisikap na gawin kung ano ang mabuti sa kanyang sariling lakas at sa ganito’y parating nabibigo, at lubhang malungkot. Hindi niya nalalaman na ang pinaka espirtiwal na kahulugan ng ‘espiritwal’ o nagmamagaling na laman ay nananatiling sa laman.
Hindi ito ang normal na estado ng isang Cristiano. Gayunpaman, marami ang dumaraan dito sa ilang mga bahagi ng kanilang buhay hangang sa kanilang matutunan na magtiwala hindi lamag kay Cristo kundi sa Kanya rin namang gawa bilang sapat para sa kanila, gaya ng pagkaunawa nila sa praktikal na paraan na sila ay pinalaya na sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo. Ang isang mananampalataya ay maaaring pumasok o bumalik sa ganitong estado ng kaisipan higit sa isang beses sa kanyang buhay.

6.20 Ano ang problema ng taong ganito?
Paulit-ulit, ang tao ay nakakatuklas ng isang dakilang suliranin. Ito ay ang paglalaban sa pagitan ng kanyang bago at dating kalikasan. May mga mabubuting mga bagay na nais niyang gawin at nagtatapos siya na bigo at hindi niya nagawa ang mga iyon. Sa kabilang dako may mga masasamang mga bagay na ayaw niyang gawin subali’t nahuhulog siyang pabalik sa dati at paulit-ulit sa paggawa ng mga ito (Roma 7:19).

6.21 Ano ang natutuklasan ng taong ito (Roma 7:17‑24)?
Sa pinakamababa may tatlong mga bagay. Una, na hanggan sa ngayon siya ay nasa laman, sa kaniyang dati at makasalanang kalikasan (tal. 17). Pangalawa, na walang anomang mabuting naninirahan sa kanya sa personal na kalalagayan: ‘Sapagkat nalalaman ko na walang mabuti na nananatili sa akin, samakatuwid ay sa aking laman’ (tal 18).
Sa katapusan, kaniyang natutuklasan na hindi niya kayang palayain ang kaniyang sarili kundi nangangailangan siya ng isa na makapagpapalaya sa kanya mula rito: ‘Kahabag-habag na tao ako! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan?’ (tal. 24).

6.22 Ang ‘ako’ sa Roma 7 ay nauunawaan na ngayon na hindi niya kayang hilahin palabas ang kanyang sarili mula sa putik. Saan manggagaling ang saklolo?
Sa pagtatapos ng kabanata 7, ang taong ito ay itinigil ang paghingi ng saklolo mula sa kaniyang kalooban at nagsimula siyang kumuha ng tulong mula sa labas. Hindi kung ‘paano ako magliligtas sa akin’, kundi ‘sino ang magliligtas sa akin…?’ (Roma 7:24).

6.23 Anong konklusyon ang kinahantungan sa katapusan ng kabanata 7?
Isang dalawahang-bahagi. Una, ang taong ito ay natutunan sa karanasan na hindi niya kayang gumawa ng anomang mabuti sa ganang kanyang sarili; walang mabuti sa kaniyang laman (Roma 7:18). Pagkatapos ay kaniyang napag-unawa na may dalawang kalikasan: ang dati at hindi makukumpuni at pangalawa, ang bagong kalikasan. Sila ay parating magkasalungat sa isat-isa. Pagkatapos nito ay kaniyang pinasalamatan ang Dios (Roma 7:25) sapagka’t kaniyang natutunan na ang tanging kinakailangan niya upang mangyari ay naganap na sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo (simula sa tal. 25 at sa 8:1). Ang kabuuang konklusyon nito kung gayon ay naabot sa 8:1-11 (tingnan T 6.24 – T 6.31).

6.24 Kung gayon maaari pa ba na ang isang mananampalataya ay maaaring hatulan ng Dios kailanman (Roma 8:1)?
Hindi, sapagka’t ang mananampalataya ay ‘kay Cristo’ na. At, tandaan natin, si Cristo ay niluwalhati sa kanan ng Dios, kaya’t kung ang sinoman ay magnanais na hatulan ang mananampalataya, kinakailangang hatulan niya si Cristo – imposible!

6.25 Ano ang ibig sabihin ng ‘kautusan ng Espiritu ng buhay’ at ng ‘kautusan ng kasalanan at kamatayan’ (Roma 8:2)?
Ang salitang ‘kautusan’ ay maaari ring mangahulugan na ito ay prinsipyo. Ang isang bato ay nahuhulog sa lupa. Ito ang batas ng kalikasan. Ang batas ng Espiritu ay isa ring prinsipyo, na ang Espiritu ang pumapatnubay sa atin at nagpupuno sa atin kay Cristo. Katulad din nito, ang kautusan ng kasalanan ay isa ring prinsipyo na ang paglaban sa Dios ay nagdadala sa kamatayan. Sa sandali na ang mananampalataya ay magtiwala kay Cristo, maniwala na ang Kaniyang ginawa ay sapat at wala na ngang anomang hatol para sa lahat ng na kay Cristo Jesus (sa sandali na siya’y sumampalataya sa ‘ebanghelyo ng kaligtasan’ (Efeso 1:13), ang Espiritu ng Dios ay malayang makakakilos sa kanya.

6.26 Ano ang lunas ng Dios para sa kasalanan (Roma 8:3)?
Ang Dios ay nagpapatawad ng mga kasalanan, ang mga gawa, subali’t ang kasalanan ay maaari lamang hatulan.
Walang ibang paraan upang maging naaayon sa kalikasan ng Dios kundi ang hatulan ang kasalanan. Ang kautusan ay hindi makakagawa ng anoman laban sa kasalanan sapagka’t ito ay ‘mahina sa pamamagitan ng laman’ samakatuwid ang tao ay walang kakayahan na ingatan ito.

6.27 Nangangahulugan ba ito na ang mga mananampalataya ay parating ginagawa ang mga bagay na ipinagbabawal sa ilalim ng kautusan? Bakit Hindi? (Roma 8:4)
Hindi. Ang matuwid na angkin ng kautusan ay nagkaroon ng kaganapan sa mananampalataya. Subali’t ang dahilan ay hindi sapagka’t sinisikap niya na ingatan ang kautusan kundi sapagka’t lumalakad siya ayon sa kaisipan ng Dios at kalooban, at sa ganito’y kinapopootan niya ang kasamaan.

6.28 Paaano praktikal na kumikilos ang tinatawag na ‘paglakad sa Espiritu’?
Pinupuno ng Espiritu ang mananampalataya ng Cristo sa kanya (Juan 14:26; 16:13,14). Ang bagay na ito ay pumupuno sa mananampalataya ng kagalakan at ng isang pagnanais na maging kagaya ni Cristo. Samantalang tinutularan natin si Cristo, ang mga pag-angkin ng kautusan ay sadyang natutupad bilang bunga nito. Tingnan natin ang isang halimbawa. Ang kautusan ay nagsasabi na ‘huwag kang magnakaw.’ Ang isang mananampalataya ay wala sa ilalim ng kautusan, kundi ng Espiritu na pumupuspos sa kanya ni Cristo. Siya ay dating mayaman subali’t naging dukha. Sinabi Niya na mas mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Samantalang ang mananampalataya ay natututo na ibigin si Cristo at tinutularan Siya, nais niya na makinabang ang mga iba. Sa ganitong pananaw, paano siya maaaring magnakawa (Efeso 4:28)?
Napakaliwanag na ang uring ito ng kaugalian na angkop para sa isa na umiibig sa Panginoon ay hindi pagpipilian lamang kundi isang obligasyon – obligasyon upang kumilos ng naaayon, sa totoo nga na iniibig natin Siya.
Iyan ang dahilan kung bakit ang apostol na si Juan ay nagtuturo na ang pag-ibig sa Dios at sa Kaniyang mga anak ay nagpapatunay na ito ay pag-iingat sa Kaniyang mga kautusan (1 Juan 2:3; 3:22-24; 5:2,3). Kapag minamahal natin ang isang tao, ang simpleng nasa ng taong ito ay nagiging kautusan para doon sa mga umiibig sa kanya.

6.29 Subali’t parati ba ang isang mananampalataya ay lumalakad sa Espiritu?
Magiging isang normal kung ginagawa niya ito, gayunpaman, nakalulungkot na hindi parating ganito ang kalalagayan gaya ng ating pagkakaalam ayon sa karanasan. Ang isang mananampalataya sa pangkalahatan ay pinangungunahan ng Espiritu, subali’t posible sa kanya na magawa niyang pighatiin ang Espiritu (Efeso 4:30). Ito ay nangyayari sa bawat oras na ang isang mananampalataya ay nagkakasala, sapagka’t hindi siya napupuno ni Cristo o nabubuhay sa ilalim ng Kaniyang paningin, na nakikipagugnayan sa Kanya.

6.30 Paano natin matitiyak na lumalakad tayo sa Espiritu?
Sa simpleng pag-aalis ng bawat bagay mula sa ating mga buhay na pumipighati sa Espiritu. Kung nag-kikimkim ka ng mga masasamang kaisipan, kinakailangang ipahayag mo ito sa harap ng Panginoon. Kung nagsalita ka ng masamang salita gayon din ang nararapat mong gawin. Huwag kang maghintay, manatili kang may maigsing pananagutan sa Dios. Kung ginagawa natin ito, ang Espiritu ay minsan pang malayang punuin tayo ni Cristo at ‘pangunahan tayo’ (Roma 8:14). Kung gayon ‘ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman’ (Roma 8:13) at lumakad tayo sa Espiritu.

6.31 Ano ang ginagawa ng Dios upang tulungan tayo na lumakad sa Espiritu?
Isinugo ng Dios ang Kaniyang Espiritu upang manirahan sa atin (Roma 8:10,11), na Kaniya ngayong ginagawa sa bawat mananampalataya (tingnan rin ang 1 Corinto 6:19), pinupuno tayo ni Cristo (Juan 16:14), at nagbibigay sa atin ng mga kamalayan na ang Dios ay ating Ama (Roma 8:15,16). Ito ay ganap na kaligtasan: inaring ganap mula sa mga kasalanan, pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan, at pagkilala sa Dios bilang isang Ama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu!

6.32 Kung ang ating kaligtasan ay ganap, bakit marami pa ring mga mananampalataya ang nagdurusa sa kanilang mga katawan at namamatay? Ang katawan ba ay hindi kasama sa ating kaligtasan?
Ang mga mananampalataya ay patuloy na nagdurusa sapagka’t sila ay nananatiling bahagi ng nilikha. Ipinaliwanag ni Pablo sa sumusunod na talata (Roma 8:18-29). Sa pamamagitan ng tao, pumasok ang kasalanan sa sanlibutan at, bilang bunga, ang ‘buong mga nilalang ay tumatangis.’ Subali’t ang suliraning ito ay malulutas rin. Naghihintay tayo ng ‘katubusan ng ating katawan’ (tal. 23). Kapag si Cristo ay dumating na muli, tatanggap tayo ng mga bagong katawan. Samantala meron tayo ng ‘pag-asang ito’ at ang Espiritu ang tumutulong sa ating mga kahinaan (tal. 26). Ihambing T 2.11.

6.33 Itinakda ba ng Dios ang sinoman para sa kahatulan?
Hindi, ang Biblia kailanman ay hindi nagsasabi nito. Ninanais ng Dios na ang lahat ay maligtas (Tito 2:11; 1 Timoteo 2:4; 2 Pedro 3:9). Gayon din, ‘ipinag-uutos ng Dios sa lahat ng tao – sa lahat ng dako na magsisi’ (Mga Gawa 17:30). Sa Roma 9:18 sinasabi doon na pinatitigas ng Dios ang sinomang nais Niya, subali’t nangyayari lamang ito pagkatapos na pinatigas ng tao ang kaniyang sarili, bilang halimbawa ay si Faraon (tal. 14-17). Sa Roma 9:22-23 ay sinasabi na maingat na inihanda ng Dios ang bawat sisidlan ng kahabagan para sa kaluwalhatian, pero hindi inihanda ng Dios ang mga sisidlan para poot ng kahatulan. Ang mga kasalanang walang pagsisisi ang gumagawa nito sa kanilang mga sarili.
ANG KAMANGHA-MANGHA EBANGHELYO NG KALIGTASAN AY BUKAS PARA SA BAWAT ISA!

BUOD
May tatlong malalaking suliranin ang nagbibigay salot sa sangkatauhan:
Mga kasalanan (= mga gawaing makasalanan)
Kasalanan (= ang prinsipyo ng kasamaan, ang pinanggagalingan ng masasamang mga gawain) at
Pisikal na mga pagdurusa.
- Ang unang suliranin ay nilutas sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo para sa atin (Roma 3–5:11).
- Ang pangalawang suliranin ay nilutas sa pamamagitan ng ating paglakip sa kamatayan ni Cristo (Roma 5:12– Roma 8:17).
- Ang pangatlong suliranin ay nilutas sa pagdating na muli ni Cristo (Roma 8:18–39). Subali’t sa bawat kaso utang natin ang lahat ng mga bagay kay Cristo!
