Ang Ebanghelyo ng Kaligtasan – pag-aaring ganap mula sa mga kasalanan
Ang mga katanungan at mga kasagutang laman ng kabanatang ito ay maaaring mabasa bilang pagpapasimula ng Roma 1 – 5:11.
Ang sumusunod na kabanata (kabanata 6) ay tumutukoy sa Roma 5:12-8.
5.1 Ano ang kahulugan ng salitang ‘Ebanghelyo’?
Sa lumang Griyego, kapag ang isang laban ay napagwagihan, isang mensahero ang pinauuwi mula sa larangan ng digmaan upang iulat ang tagumpay sa kanilang bayan. Habang papalapit siya ay sisigaw ng isang salita lamang ‘euangelion’: mabuting balita – ang laban ay napagwagihan!

5.2 Ano ang paksa ng Ebanghelyo?
Ang ebanghelyo ay nagsasabi sa atin, nang ang sangkatauhan ay ganap na nabigo, nagtayo ng isang daan ang Dios upang dalhin ito sa isang positibong kaugnayan sa Kaniya. Ang daan na ito ay sa pamamagitan ng Kaniyang Anak, ang Panginoong Jesus, na Dios noon at ngayon subali’t
nagkatawang tao at namatay doon sa krus para sa mga makasalanan: ‘ang ebanghelyo ng Dios… patungkol sa Kaniyang Anak’ (Roma 1:1,3). Ito ang isa at tanging daan na patungo sa Dios (Mga Gawa 4:12). Hindi hinanap ng tao ang Dios pero ang mabuting balita ay ang Dios ang Siyang naghanap sa tao (tingnan (Lucas 15).

5.3 Bakit hindi ikinahihiya ni Pablo ang Ebanghelyo (Roma 1:16,17)?
Maaari sanang ikinahiya ni Pablo ang ebanghelyo sapagka’t ang tao, bilang likas, ay laban sa isang mensahe na nagdedeklara na siya ay nagkasala at kaniyang inaalipusta yaong mga nagdadala ng balitang ito. [1] Ang paghahatid ng ebanghelyo sa mga makasalanan ay may kaakibat na panlilibak.
Subali’t si Pablo ay hindi ikinahiya ito sa ilang kadahilanan. Una, ang ebanghelyo ay ang ‘kapangyarihan ng Dios’ sa lahat ng sumasampalataya (tal. 16). May kapangyarihan ito na dalhin sila sa Dios (kung tatanggapin at sasampalatayanan nila ito). Gayundin, ang ebanghelyo ay pangkalahatan (para sa mga Judio at mga Gentil, 1:16). Sa katapusan, ang katuwiran ng Dios (T 5.4) ay ‘nahayag’ (tal. 17) sa ebanghelyong ito.
1 Isa pang kadahilanan kung bakit tutol ang mga tao sa ebanghelyo, o ganap na hindi maunawaan ito, ay sapagka’t hindi nila matanggap na ang kaligtasan ay isang walang bayad na kaloob at hindi nila ito maaaring pagpaguran. Dagdag pa rito, hindi matanggap ng tao na ang taning solusyon sa kanilang problema ay inilaan na ng Dios, at isang napako sa krus ang nasa sentro ng kanilang kasagutan – tingnan 1 Corinto 1:17-24.

5.4 Ano ang katuwiran ng Dios?
Ipinakita ng Dios na Siya ay matuwid [1] sa pamamagitan ng:
- paghatol sa makasalanan sa Kaniyang poot (Roma. 1:17,18)
- pagbuhay kay Jesus mula sa mga patay at pagbibigay sa Kaniya ng isang dako ng karangalan (Jun.16:10)
- pagpapatawad sa mga ipinahayag na mga kasalanan (1 Juan. 1:9)
- pag-aaring ganap sa mga sumasampalataya kay Jesus (Roma. 3:25,26; 4:5).
Ang huli sa mga ito ay nakagugulat na makita: na ariing ganap ang mga nagkasalang makasalanan! Upang makita ang solusyon sa problemang ito tingnan ang T 5.11 at T 5.12.
1 Ang Dios ay pag-ibig (1 Juan 4:16) pero ang Dios ay liwanag din (1 Juan 1:5).

5.5 Sino ang nangangailangan ng Ebanghelyo?
Ang bawat isa. Inilagay ni Pablo ang mga sangkatauhan sa tatlong pangkat:
- mga taong nawalan ng lahat ng kaalaman ng tunay na Dios at mga wala nang pamantayan ng mga pag-uugali (Roma. 1:18-32)
- mga moralista, mga taong gumagawa sa ganang kanilang sarili ng ilang mga pamantayan (Roma.2:1-16)
- Mga Judio (Rom. 2:17-3:9).
Ang bawat isa sa atin ay nabibilang sa isa sa tatlong mga pangkat na ito. At ipinapakita ni Pablo na ang bawat pangkati ay nagkasala sa harap ng Dios.

5.6 Ang lahat ba ay nagkasala? Wala bang mga nabukod?
Hindi – sa katapusang pagtutuos ang lahat ay nagkasala. Yaong mga nabibilang sa unang pangkat (mga taong hindi na gumagawa ng mga panuntunan sa ganang kanilang sarili, T 5.5) ay mga nagkasala, kahit na kailanman ay hindi nila napakinggan ang ebanghelyo, sapagka’t kanilang nakilala ang Manlilikha sa pamamagitan lamang ng pagmamasid sa mga likha ng Dios na nakapaligid sa kanila subali’t tumatanggi sila na tanggapin Siya. Ang mga moralista (pangkat 2, T 5.5) na gumawa ng mga panuntunan subali’t hindi iniingatan ang mga ito at kumikilos sila laban sa kanilang mga budhi (Roma 2:15). Ang Israel ay nasa kanila ang mga kautusan ni Moses mula sa Dios at kanilang nilabag ito. ‘Walang matuwid, wala kahit isa’ (Roma 3:10). ‘Sapagka’t walang pagkakaiba: Ang lahat ay nagkasala, at walang nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios’ (Roma 3:23).

5.7 Wala bang solusyon?
Mayroon. Upang makita ano ang eksaktong solusyon na ito, tandaan natin sa ating mga pag-iisip na ang Dios ay isang matuwid na hukom at Siya ay banal, at kinamumuhian Niya ang kasalanan. Nakikilala Niya ang bawat isa at alam Niya ang bawat isa mong mga kasalanan. Mayroon lamang dalawang pagpipilian. Alinman sa Kaniyang hatulan ka o kailangang ikaw ay ‘gawing matuwid’ sa Kaniyang harapan. Upang makita kung paano gawin ito, tingnan ang mga sumusunod na mga katanungan.

5.8 Ano ang kahulugan ng ‘inaring-ganap’ (Roma 3:20)?
Ang kahulugan ng inaring ganap ay ang ‘ideklarang matuwid.’ Mas mabuti pa ito sa pagiging isang inosente. Kung ikaw ay inaring ganap, maaari mong ituro si Cristo sa kanan ng Dios at sabihin mo, [1] ‘Ako ay nabibilang sa Kaniya, kaya nga ako ay matuwid.’ Si Adan sa kaniyang estado ng pagiging inosente bago siya nagkasala ay hindi magagawa ito. Kaya nga kung may sinoman ang magnanais na hatulan bilang makasalanan, kinakailangan muna niyang hatulan si Cristo bilang hindi matuwid, at ito ay imposible (Roma 8:34).
Bilang mga inaring-ganap, tayo kung magkagayon ay mga matuwid. Subali’t ang pagiging matuwid na ito ay hindi nanggagaling sa atin, o galing sa tao; ito ang ‘katuwiran ng Dios’ na inilalagay niya (o tinatangi) sa atin. Tingnan ang Roma 4:3,5,11 at Filipos 3:9.
1 Ang pag-aaring ganap ay nangangahulugan, tunay nga, ng paglilinis sa pamamagitan ng dugo at kapatawaran, subali’t hindi ito magkakapareho.

5.9 Ano ang ibig sabihin ng ‘mga gawa ng kautusan’ (Roma 3:20)?
Ang mga gawa ng kautusan ay hindi lamang mga gawa na naglalayon na ingatan ang mga kautusan ni Moses, kundi mga gawang naglalayon na ingatan ang anomang uri ng kautusan (literal: ‘gawa ng kautusan’). Ang punto ng pag-iingat ng isang kautusang pang relihiyon ay upang makuha ang pagsang-ayon ng Dios at upang panatilihin ang posisyong ito. Kung ilalagay natin ito sa pinakamaruming kahulugan, ito ang daan na inaakala ng tao na maililigtas niya ang kaniyang sarili – ‘kung mabuti ka, pupunta ka sa langit.’ Gayunman, nakakalungkot, walang sinoman sa atin ang mabuti. Ang bayan ng Israel ay pinatunayan sa kaso ng kautusan ni Moses, na ang tao ay walang kakayahang maingatan ang kautusan, o sa ganitong bagay, ang anomang kautusan. Ito ay pangkalahatang prinsipyo. Walang mga gawa – walang magagawa ang tao – na maaaring makapagbibigay o makagagawa sa kaniya bilang matuwid sa harap ng Dios.

5.10 Kung gayon paano ang sinoman ay maaaring maging matuwid sa harap ng Dios ( Roma 3:22‑25)?
Hangga’t ang pag-uusapan ay tayo, tanging ‘sa pananampalataya lamang.’ Kung ang pag-uusapan ay ang Dios, tanging ‘sa biyaya lamang.’ Sa pananampalataya ang ibig sabihin nito ay ating pinagtitiwalaan si Cristo, na Kaniyang binayaran ang halaga para sa ating mga kasalanan at ito ay sapat na. ‘Sa biyaya’ ay nangangahulugan na ang magagawa lamang natin ay tanggapin ang ibinibigay ng Dios, na wala tayon anomang gagawin sa ating mga sarili o maidadagdag na anuman sa Kaniyang nagawa.
Subali’t tayo rin ay inaring ganap sa pamamagitan ng dugo. Sa pamamagitan ng dugo ay nangangahulugan ito na ang Panginoong Jesus ay kinailangang mamatay bilang ating kapalit.

5.11 Ano ang kahulugan ng ‘na siyang inialay ng Dios bilang handog na pantubos…’? (Roma 3:25)
Ang Hebreo salita para sa ‘pampalubag-loob’ o ‘pantubos’ ay may literal na kahulugan bilang ‘pantakip’ – tingnan T 2.7. Sa Lumang Tipan ginamit ito bilang panaklob, o ‘pantakip,’ ng kaban ng tipan. [1] Ang panaklob na ito ay gawa sa purong ginto, na kumakatawan sa namamalaging kaluwalhatian ng Dios. Ang mga tableta ng kautusan, na ang magagawa lamang ay ideklara na ang tao ay nagkasala, ay nasa loob ng arko. Ang kerubin (na nagbabantay sa kabanalan ng Dios at tagapagpatupad ng banal na kahatulan, Genesis 3:24) ay nakatingin pababa sa panaklob na ito ng arko (Exodo 25:20; 37:9) at kinailangang tanggapin na ang Dios ay matuwid upang hatulan ang tao. Subali’t kapag ang panaklob ng arko ay nadilig ng dugo (Levitico 16:14-16,33) – ang dugo ng inosenteng biktima, na nabubo para sa bayang nagkasala – nagagawa ng Dios na iligtas ang Kaniyang bayan. Ito ay larawan ng kung ano ang nagawa ni Cristo: Ibinigay Niya ang Kaniyang buhay – ang Kaniyang dugo ay tumigis – upang hindi na tayo hatulan pa ng Dios. Tayo ay natatakluban ng Kaniyang Anak sa Kaniyang pagbibigay ng Kaniyang buhaya para sa atin.
1 isinalin sa JND bersyon na ang ‘pampalubag loob’ ay siyang ‘luklukan ng awa’ sa Roma 3:25.

5.12 Paano maaaring ariing ganap ng Dios ang isang makasalanan at sa gayon din ay maging matuwid?
Sapagka’t si Cristo ang naging kapalit natin, ibig sabihin, Kaniyang kinuha ang ating lugar at pinasan niya ang kahatulan para sa ating mga kasalanan.
Kung babayaran mo ang aking utang, ano kung gayon ang magagawa ng hukom? Wala! May isa na nagbayad para sa akin. Walang taong makakaimbento ng ganito kagandang paraan ng pag-aaring ganap at kapatawaran, iyan ang dahilan kung bakit ang ebanghelyo ay napakagandang mensahe. Nagpapatawad ang Dios (ito pa lamang ay napakabuti na) subali’t hindi nangahulugan ito na ang mga kasalanan ay hindi pinansin. Pinatawad Niya ang lahat pagkatapos na hatulan ang mga kasalanan at kondenahin ang kasalanan. Ang problema ay nalutas na, subali’t sa isang matuwid na paraan.

5.13 Ano naman ang tungkol sa mga banal sa Lumang Tipan? Paano sila inaaring ganap (Roma 4)?
Sa parehong paraan sa mga mananampalataya sa Bagong Tipan: sa pamamagitan ng pananampalataya si Abraham ay naniwala sa Dios at ito ay binilang sa kanya bilang katuwiran (Roma 4:3). At magagawa ito ng Dios ng may katuwiran, sapagka’t tumingin siya sa dumarating na sakripisyo ni Cristo (Roma 3:25,26).

5.14 Pero hindi ba’t sinasabi ni Santiago na si Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa.
Totoo. Nguni’t si Santiago ay nangungusap tungkol sa kung paanong tayo ay maaaring maging matuwid sa Dios, subali’t ang ating mga pagkilos ay nararapat na magpakita (sa mga tao) na tayo nga ay mga inaring-ganap.
Ang tanging katibayan na ang ating pananampalataya ay tunay ay sa pamamagitan ng mga gawa na ating ginagawa pagkatapos na tayo ay maligtas (Santiago 2:21,22). Paano ito makikita (ng mga tao) na si Abraham ay matuwid? Tanging sa pamamagitan lamang ng mga gawa. Nang siya ay umalis upang ialay si Isaac, kaniyang ibinigay ang katunayan. Subali’t alam na ng Dios na sumasampalatay si Abraham at ibinilang siya bilang matuwid kung gayon (Genesis 15:6).

5.15 Bakit ibinangon muli si Cristo para sa ating pagaaaring ganap (Roma 4:25)?
Ang gawa ni Cristo ay natapos na nang sinabi Niya, ‘naganap na’ at ‘Kaniyang ibinigay ang Kaniyang espiritu’ (Juan 19:30, JND) at namatay. Subali’t sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ipinakita ng Dios sa mga tao at mga anghel na Kaniyang tinanggap ang kamatayan ng Kaniyang Anak bilang ganap na sapat; na Siya’y ay nasisiyahang lubos kay Cristo at sa Kaniyang gawa.
Nananatiling matuwid ang Dios nang Kaniyang inaring ganap ang mga sumsampalataya kay Jesus (Roma 3:26), ibig sabihin, yaong mga naglagak ng kanilang tiwala sa gawa ni Cristo doon sa krus. Ang pagkabuhay na muli ay nagpapatibay na ang gawa doon sa krus ay tinanggap ng Dios at pinagtibay ng pananampalataya.

5.16 Ano ang mga bunga ng pag-aaring ganap (Roma 5:1).
May kapayapaan tayo sa Dios. Wala nang natitira pang usapin sa pagitan ng Dios at ng ating mga sarili! Wala nang ihihiwalay. Hindi ito isang pangako na ang mananampalataya ay magkakaroon ng kapayapaan sa Dios; taglay na ito niya ngayon! Walang mga hadlang na natitira sa ating kaugnayan sa Dios.
Hindi lamang wala nang anomang laban sa atin ang Dios, nguni’t tayo ay positibong nakatayo sa Kaniyang pabor (tal. 2) Ang Dios ay pumapanig sa atin; Siya ay ‘para sa’ (Roma 8:31). Ang Kaniyang mga kaisipan at mga damdamin ay positibong patungo sa atin. At meron pa higit sa rito: basahin ang Roma 5:1-11 upang makita ang napakagandang mga resulta ng pag-aaring ganap at kapayapaan ng Dios.

5.17 Ano ang mga praktikal na bunga nito sa ating mga buhay?
Ang mga sumusunod na talata (Roma 5:3-11) ay nagpapakita sa atin na ang mga kapighatian (mga pagsubok at lubhang mga kahirapan) na kailangan na ating pagdaanan sa ating mga buhay ay nagiging daluyan ng kaluwalhatian para sa atin, at may mga proseso ng paglago sa katiyagaan, karanasan at pag-asa bilang resulta nito. Ang pag-ibig ng Dios ay naibuhos na sa ating mga puso ng Espiritu Santo. Ipinakita ang pag-ibig na ito ng Dios sa atin nang si Cristo ay namatay para sa atin – samantalang tayo ay mga makasalanan pa.
Bilang konklusyon, kung nagawa na ng Dios para sa atin ang lahat at kung Kaniyang naibigay na ang sukdulang posibilidad para sa atin nang tayo ay mga kaaway pa, gaano pa kaya Niya magagawa ngayon na tayo ay nangakatayo sa Kaniyang pabor at naipagkasundo na, na iligtas tayo sa ating mga praktikal na pang-araw araw na kahirapan sa ating mga buhay at mula sa poot na dumarating. Anong laking katiyakan!
